Chapter 38: Serious talk

108K 1.2K 34
                                    

A/N: So guys, sa Saturday po talaga 2 ang update ko eh since gusto dapat even yung chapters na gagawin ko ay uunahin ko na muna ito para pantay na kapag mag-uupdate na ako. Di niyo gets? Sige, okay lang baka nakapag update naman ata ako ng dalawa sa Saturday ay baka maintindihan niyo na. I'm happy kasi #38 na tayo sa Romance! Gosh! Thank you po sa mga sumasabaybay sa story ko na ito. Salamat po at nandiyan lang po kayo. And here's the next chapter!

SHANICE'S POV 

Ngayon ay nasa hapag kainan kami at kumakain ng sabay sabay. Kani-kanina lang ay nakarating si Stephen pero alam ko na malungkot pa rin siya or let's simply say na heartbroken siya. First time ko siyang makita ng ganun, ay noong naging miserable yung buhay niya nung nalaman niya na umalis na nga sa ibang bansa si Vivienne at ako bilang ate ay nakikibalita ako kay Suzette kung anong nangyayari rin sa kanila.

Ngayon ay tahimik pa rin at wala pa rin bumabasag ng katahimikan kaya naisipan ko na ako na ang magsimula. 

"Uhm...guys parang ang tahimik niyo naman. Hindi ba kami welcome ni Stephen dito?" tanong ko sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa akin pwera lang kay Stephen na patuloy pa rin kumakain.

"Ah hindi naman anak, pero siyempre kasi bigyan naman natin ng galang yung mga pagkain." sabi ni mom sa akin. Tumango naman si dad.

"Pero kung gusto niyo magkuwentuhan muna tayo sige, Stephen matanong ko lang nasaan yung asawa mo?" tanong ni dad kay Stephen. 

"Oo nga Kuya nasaan si Ate Lucky, bakit hindi mo siya kasama?" tanong naman ni Suzette. Ibinaba ni Stephen yung kubyertos niya at tumingin sa kanilang dalawa pero hindi rin nagtagal ay kinuha niya ulit yung kubyertos at patuloy na kumain ulit.

"Ah...hindi makakapunta si Lucky kasi namimiss daw niya si mama at papa kaya doon daw muna siya magstastay sa kanila pero babalik rin naman daw siya." sabi ni Stephen kay dad na patuloy pa rin kumakain. Napatingin ako sa kaniya na naawa pero hindi ko pinahalata. Sunod naman ay tumingin ako kay mom at nakita ko na nag-aalala rin yung mukha ni mom kay Stephen.

"Ah ganun. Mmm...Sayang naman, hindi tuloy nakilala ni Ate si Ate Lucky diba Ate?" tanong ni Suzette sa akin. 

"A-a-ah okay lang naman may time pa naman diyan eh Suzette. Malay mo bukas o sa makalawang araw makita ko na siya o mameet sa personal." sabi ko kay Suzette.

"Ah ganun ba? Oo nga naman mas maganda rin naman na pumunta rin si Lucky sa mga magulang niya kasi hindi biro rin ang malayo sa mga magulang mo." sabi ni dad.

"Oh ikaw naman Shanice, nasaan yung mag-ama mo?" tanong sa akin ni dad. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Bakit dad gusto mo na ba makita yung una niyong apo?" tanong ko sa kaniya.

"Of course! It's been a long time I think 5 years ago to be exact nang umalis ka ng ibang bansa at plano mo talaga tumakas ng responsibility mo dito." sabi ni dad sa akin. Kaming lahat ay napatawa pero nakita ko kay Stephen na parang pinipilit lang niya.

"Oh kamusta ang business niyo doon?" tanong ni dad ulit sa akin. 

"It's fine dad." sabi ko sa kaniya. 

"Mabuti naman. Ikaw Suzette kamusta naman si mama tsaka yung school mo doon?" tanong ni dad kay Suzette. Si Suzette ay ngumiti ng malaki.

"She's okay, may improvement na po sa health niya tsaka yung sa studies ko po ay okay lang po rin pero dad baka in 2 months ay babalik na rin po ako sa US dad." Biglang lumungkot yung mukha ni Suzette. "Pero dad, sabi naman ni lola kapag bumuti na daw yung health niya tsaka kapag kaya na niya pwede na daw po ako dito mag-aral sa Philippines." sabi ni Suzette kay dad.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon