Chapter 39: The Secretary

97.3K 1.2K 73
                                    

A/N: So, what can I say? Uhm di ko po sure kung makakapag update po ako ng dalawa this day or isang update for this day at yung another update ay bukas ko na lang ipopost. Baka nga po ganun na lang iyon. So, feel ko this day isa lang po yung maaupdate ko po pero don't worry bukas naman po mag-uupdate naman po ako for doon sa isang update. :) So here's the chapter. Uhm... sa totoo po kasi on the spot po kasi ako nag-uupdate and at the same time on the spot rin po ako nag-iisip kung ano next na mangyayari kaya sorry po kung ito lang po yung naipublished ko po sa inyo.

LUCKY'S POV 

Isang linggo na rin nakakalipas. Isang linggo na wala na akong ginagawa dito sa condo ko kung hindi maglinis o kaya libangin ko yung sarili ko dito. Ayoko rin naman kasi umalis ng condo at tinatamad rin ako pumunta ng mall. Sa ngayon patuloy pa rin yung online working ko which is magbenta ng mga damit pero sa totoo ay parang gusto ko rin gumalaw sa isang place at hindi katulad nito na nakaupo lang at kakausapin yung mga customers sa blog.

Kaya napag-isipan ko na maghanap na lang ng trabaho para naman may maexperience rin ako. Nung una nung binalitaan ko ito kay Andrei ay nag-insist siya na doon na lang ako magtrabaho sa studio nila pero tinanggihan ko rin naman at the same time kasi hindi ko naman passion na maging editor ng isang magazine or writer ng isang article.

Pangalawa ay sinabi ko rin ito kay mama at sinabi rin niya na doon na lang ako magtrabaho sa company namin pero tinanggihan ko rin kasi wala naman ako alam sa company o kung ano takbo doon baka malugi lang kami tuluyan tsaka madami magtataka kung bakit nandoon ako sa company nagtatrabaho eh pwede rin naman ako magtrabaho kay Stephen.

Pangatlo ay wala na akong balita pa kay Stephen. Pagkatapos mangyari yung pagkikita niya sa akin at sinabihan ko rin siya ng ganun ay hindi na ulit siya pumunta o sumulpot man lang sa harapan para lang magmakaawa para lang bumalik kami sa dati bilang mag-asawa which I find it na nakakaluwag ng hininga kasi minsan kasi naguguluhan na rin ako at the same time kung babalikan ko siya.

Ayoko rin naman na mangyari ulit sa akin na sinasaktan na lang niya ako mapaemotional at mapaphysical. Gusto ko rin naman na makita yung pagbabago niya pero ewan ko feel ko kapag nakikita ko siya nagdadalawang isip ako kung makikipagbalik ako sa kaniya o hindi kaya humingi ako sa kaniya ng oras para makapag-isip ako ng mabuti.

Ngayon ay nagsesearch ako para sa mga nangangailangan ng workers sa isang company. Habang nagsesearch ako ay may nakita akong ad at nangangailangan ito ng secretary sa company kaya kumuha ako agad ng papel at sinulat ko yung address at contact information. Pagkatapos ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko yung number nung company na iyon.

"Hello, how may I help you?" sagot doon sa other phone ko.

"Uhm...I found your ad and it says here that you need a secretary."

"Oh. So you're applying secretary in our company?"

"Uhm yes, so where can I find the requirements for applying this job?"

"Oh. I can email the requirements in your email so you can print out. What's your email address miss?"

"Oh uhm...luckyevangelista@yahoo.com and when is the interview ma'am?"

"Oh, uhm tomorrow you can come to our company because tomorrow is the start of the interview for applying the secretary."

"Oh okay. Thank you!"

"Okay, your welcome and have a nice day to you."

Pagkatapos iyon ay binaba ko na at chineck ko na yung email at yun may mail na ako at ito yung mga requirements kaya pininrint ko na at nilagay ko sa isang folder. Umalis na muna ako sa condo para magpapicture para doon sa requirements na iyon at sakto na kakalabas lang ni Andrei sa pad niya.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon