Chapter 48: The Revelation (Part 1)

100K 1K 26
                                    

A/N: Wooh! Hello guys! Please support my second story! Ang panglan po ay The Hardest Phrase: "Move On" if di pa po ninyo nababasa. :) And yes, baka these few chapters ay puro flashblack or ewan basta lalabas na yung flashblacks. So, here's the next chapter.

LUCKY'S POV 

"Uhm...Lucky, Nikki meet Vivienne my girlfriend. Babe si Lucky tsaka si Nikki kablockmates ko." pagpapakilala ni Stephen sa girlfriend niya sa amin. Ngumiti naman sa amin si Vivienne at

"Oh! Nice to meet both of you. Mahiyain ba si Stephen?" umupo na si Vivienne sa tapat namin samantala si Stephen ay inilagay na niya yung tray na puno ng pagkain. Pagkain ata nilang dalawa ni Vivienne. Oo nasa cafeteria kami at nagkataon na nagkasabay yung time ng break ng girlfriend niya. Eksaktong naisipan ni Stephen na ipakilala niya sa amin yung girlfriend niya.

Oo masakit kasi pinakilala na sa amin ni Stephen yung girlfriend niya at aaminin kong maganda siya at mabait. Walang wala sa akin. Umasa ka pa Lucky. Alam mo naman na wala ng pag-asa pa sa iyo si Stephen. Napahawak ako sa kamay ni Nikki na nakababa sa table namin para hindi nila mahalata na nasasaktan ako. Humigpit rin naman yung pagkakahawak sa akin ni Nikki at ngumiti siya sa akin na okay lang yan. Ngumiti lang rin ako sa kaniya na okay lang ako. Humarap kaming dalawa ni Nikki na tanungin ulit kami.

"Uhm...feel ko naman hindi mahiyan si Stephen kaso ewan ko ba sa kaniya kung bakit kami pa yung naging magkaclose." sabi ni Nikki kay Vivienne. Tumango naman siya.

"Oh wait! Ikaw ba yung babae na sumampal mo kay Stephen?" tanong ni Vivienne kay Nikki. Tiningnan ko si Nikki at humigpit yung hawak niyang kamay sa akin. Tumingin siya ng diretso kay Vivienne at ngumiti.

"Yes, ako nga." pagmamalaki ni Nikki kay Vivienne. Ngumiti naman si Vivienne at

"Oh may tanong ako. Bakit mo sinampal si Stephen? May nagawa ba siyang mali sa iyo?" tanong ni Vivienne kay Nikki. Ako naman ay napapatingin sa kanilang dalawa. Parang may naamoy akong war dito. 

"Babe..." pag-aalo ni Stephen kay Vivienne kasi parang alam niya rin ata na magkakagulo na ata yung table namin.

"Yes, may ginawang mali si Stephen sa aming dalawa ni Lucky.." biglang nagulat si Stephen at tumingin kay Nikki. Ako naman ay napatingin rin sa kaniya.

"Ang mali lang niya ay iniwan kami sa gagawin naming project sa Trigonometry kaya sinampal ko siya nun that time kasi paano ba naman parang natutulog na eh, tsaka parang hindi focus." sabi ni Nikki kay Vivienne. Tumango naman si Vivienne at tumingin siya kay Stephen.

"Is that true babe? Iniwan mo silang gawin yung project niyo?" tanong ni Vivienne kay Stephen at nakahawak na ito sa cheeks ni Stephen.

"A-a-ah y-yes. Kaya ko naman sila iniwan doon sa project na iyon kasi hinahanap kasi kita para sunduin kasi magbrebreak na rin kasi nun that time." ngumiti naman si Vivienne sa sinabi ni Stephen at

"Oh you are so sweet babe." pagkatapos ay hinalikan niya ito sa cheeks ni Stephen at humarap na sa amin para kumain. Oo, parang tinutusok tusok yung puso ko ng maraming karayom dahil sa pinapakita nila at dahil hindi ko pa rin matanggap na sila talaga. 

"Love!" bigla ako napabalik sa realidad ng tinawag ako ni Stephen at nakita ko na nakahawak yung kamay niya sa kamay ko. Nandito kami sa isang family restaurant dahil ayaw ko kasi na kumain kami sa isang pang fine dining restaurant, hindi ako komportable kaya nandito kami. 

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon