Chapter 4: Her Past (Part 2)

147K 1.5K 21
                                    

A/N: Well, well, Hello Guys! Sino po ang nadisappoint diyan. Patawarin niyo po ako kung ngayon lang po ako nag-update dahil ako rin naman ay nadisappoint sa school namin. Akala ko po may event that thime na sinabi ko po sa inyo kung kailan yung update tapos ayun nga hindi nga natuloy. Hay expectations ika nga, naglaho. Pero ngayon I'm happy and excited dahil mag-uupdate ako para sa inyo! Please keep reading and voting this story. Uy! Mag-commnet rin kayo. ;)


 Third's Person's POV

Pagkamulat ng mata ni Lucky ay nakita niya na puro puti ang paligid niya. Naisip niya ang pangyayari kanina at nalaman niya na nasa clinic siya.

"Uy Friend, musta ka na?"

"Ok lang, sino nagbuhat sa akin dito sa clinic. Alam kong imposible kung ikaw ang nagbuhat sa akin dito." Ngumiti siya ng pagkatamlay.

"Oh my Gosh! Friend. Hindi mo talaga alam na maswerte ka kay....." humagikhik muna siya bago sabihin. "STEPHEN! Para siyang shining armor kanina friend."

"ANO SI STEPHEN?! Ang nagbuhat sa akin dito?"

"Ay ano ba yan friend, nakakabingi ah. Gusto mong ipaulit ko pa sa iyo?"

Tumango si Lucky para masigurado niya na hindi siya nabibingi sa mga sinasabi ng kaibigan niya.

"Oo friend, Si Stephen ang nagbuhat sa iyo dito sa clinic. Okay? Gets mo na?"

Tumango na lang si Lucky na nakabukas ang kanyang bibig dahil sa nasabi ng kanyang kaibigan. Hindi niya maipaliwanag kung matutuwa ba siya o hindi dahil nalaman niya na si Stephen ang nagbuhat sa kanya sa clinic.

"Oh ano na friend, yung bibig mo papasukan na ng langaw."

Biglang napatakip ng bibig si Lucky na inaakala niya na papasukan ng langaw ang kanyang bibig. Biglang tumawa ang kanyang kaibigan at binigyan niya ito ng masamang tingin. Biglang natahimik agad ang kanyang kaibigan.

"So, ano na friend. Bumangon ka na diyan at uuwi na tayo. Oh baka kung gusto mo diyan ka na lang at hintayin mo na lang si Prince Stephen para kaladkarin diyan."

"Oo nga pala, nasaan si Stephen para mapasalamat ko siya."

"Ah. Pagkatapos ka niyang buhatin dito sa clinic ay bigla naman siyang tumakbo palabas. Mukhang may hahabulin na oras."

"Baka bukas ko na lang siya papasalamatan."

Pagdating sa bahay ni Lucky ay nandoon ang mama niya para ikamusta siya.

"Anak, saan ka nagpunta? Ba't ngayon ka lang umuwi? Sabi ni Nikki uuwi na kayo pero hindi, ngayon lang kayo nakauwi. May nangyari ba?"

"Uhm.... Wala po ma. Natraffic lang." Pagsisinungaling ni Lucky.

"Ah. Ganun ba. Sige umakyat ka na at para makakain na tayo. Bilisan mo. Alam mo naman ayaw mo kami paghintayin diba?"

"Opo Ma."

Umakyat na sa taas si Lucky at pumunta na sa kaniyang kwarto para magpalit ng damit. Hindi pa rin niyang mapigilan na hindi ngumiti sa kadahilanan na binuhat siya ni Stephen.

Pagkababa niya ay nandoon na ang kanyang mama at papa at hinihintay siya sa hapag kainan.

"Kamusta na ang princess namin? Maayos ba ang school life mo? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ng papa niya.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon