Chapter 7: The Party

156K 2K 200
                                    

A/N: So, HI GUYS!!! Miss ko na kayo. (Weh? Plastic si Author...) Oy! Hindi ah! Miss ko na talaga kayo mga FloalBriders. Yan may pangalan na tayo floralbriders. So, ayun lumabas na yung resuls sa exam namin. Hay.... Wag niyo na ako tanungin kung ano yung mga scores ko. Nakakaiyak siya. :''((( So forget about that, ako po'y natutuwa dahil HAPPY 482 reads tayo floralbriders. Ang saya ko talaga. Nakakaoverwhelming talaga kayo guys. Naku! Nalimutan ko rin naka 18 votes na rin tayo Guys! Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya kapag nakikita ko na marami na nagbabasa sa story na ito. Hindi lang halata kay Ms. FloralBride yung tuwa niya pero promise minsan nirerefresh ko yung page. Tinitingan ko kung may nagbabasa talaga. Oo ang babaw ni Ms. FloralBride kasi 482 reads tapos natutuwa na siya doon. Sorry po. Para sa akin, ang comment ko lang eh ano naman kung 400+ yung nagbabasa atleast meron nga eh kaysa wala diba. Ay! Ang daldal na ni Ms. Author ito na....


STEPHEN'S POV

Nagmamadali akong umuwi sa bahay dahil excited na ako sa party mamaya hindi dahil sa asawa ko. Ipapatingin ko sa kanya kung gaano ako kasamang tao. Ipapamukha ko sa kanya ang pagsisi na pinakasalan niya ako. Sa totoo nga, FORCED MARRIAGE ang kasal namin dahil-----

Oh! Speaking of that girl, nasa labas siya. Ano ginagawa niya? Ah. Nakikipaglandian sa kapitbahay namin ah. Binusisaan ko silang dalawa. Mga walang hiya sila, dito pa talaga sila nakikipaglandian sa bahay ko.

Pinark ko na yung sasakyan ko sa garahe. Pagkababa ko ng sasakyan, ayos ah, hindi pa rin umaalis yung lalaki na kausap ni Lucky. Hindi ata sila natinag yung busina ko sa kanila kanina ah. Lumakad na ako sa harap ng bahay kung saan sila nag-uusap pa rin hanggang nagyon. At sa wakas nang lumapit na ako sa kanila napatigil sila sa pag-uusap. Nakaistorbo ba ako? Dapat lang! Mahiya sila!

"Ah.....ano...si Hans. Hans s..i Steph as...awa ko."

"Ah. Ako nga pala si Hans kapitbahay niyo." Inilahad niya yung kamay niya sa akin. Hindi ko naman tinanggap at kinausap ko naman si Lucky.

"Sa susunod naman Lucky, wag kayo makipaglandian dito sa harap pa ng bahay ko. Mahiya ka nga, sabihan nila malandi ka. Alam na nga may asawa nakikipaglandian pa sa kapitbahay. Ha? Sa susunod wag na kayo dito makipaglandian kahit saan wag lang dito pwede?" Harsh ba ako? Kung ganun dapat lang. Bakit naman ako makikipag-away sa lalaki yon. Ayoko ng gulo, ayoko ng tsismisan at ayoko ng attensiyon kapag awayan. Nakakastress lang.

Pumasok na ako sa bahay ko. Pagkakaba ko ng suitcase at coat ko sa sofa. Doon naman ang pagpasok ni Lucky.

"An...o....Stephen....."

"Ano? Ayusin mo nga pananalita mo. Ayoko sa lahat ng tao na pautal magsalita. Kaya nga binigyan ka ng bibig para makapagsalita ng maayos at hindi yung pautal."

"Ano....Stephen.....Sorry kanina kung nakita mo ka-----"

"Ah ayun ba? Ok lang, pero wag naman kayo makipaglandian dito sa pamamahay ko. Alam mo naman yung rules ko diba?"

"Hindi Stephen! Mali yung iniisip mo, hindi ako nakikipaglandian sa kanya, nag-uusap lang kami!"

"Oh, bakit ka sumisigaw sa akin? Tama bang sigawan mo ako? Baka gusto mo ata masaktan ka sa akin noh?"

Bigla siyang umiling sa akin. Sayang! Gusto ko pa naman siyang bugbugin. Pampawala lang stress ko galing sa trabaho. Ay! Oo nga. Muntikan ko na malimutan.

"Lucky, magsuot ka ng desenteng damit wag yung parang mukha kang pokpok, nakakahiya sa kanila. May party tayong dadaluhan mamayang 9."

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon