Chapter 26

171 14 5
                                    


***

Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako. Paggising ko kaagad akong lumabas ng kwarto para magsaing pero nabigla ako sa aking nakita, may nakahain na sa hapag.
" Sinong naghain nito?"  May lumabas sa may banyo kaya napalingon ako.

"Ooy besh, good morning!" Bati ng aking kaibigan. Iwan ko pero may parti sa puso ko na dissapointed ng si Kristy ang nakita ko.  Di naman ako nagtaka kung bakit nakapasok to sa bahay may duplicate kasi ito ng susi rito."Buti gising ka na, kala ko tatanghaliin ka ng gising. "

"Ikaw ba nagsaing nito?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, sino bang ibang inaasahan mong mahahanda sayo nyan? Yung baklang yun? Oh wag mo ng itanggi. Buti pa kumain nalang tayo kalimutan mo na lang ang baklang yun, wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari."Kinuha ni Kristy ang nakatabong plato sa kanin at ulam na tosino, itlog at karikari. "Oh kunin mo na para makakain na tayo." Inilahad ni Kristy sa akin ang isang plato at kotsara. Tinanggap ko nalang ito. Pagkatapos ay pariho kaming umupo. "Wag kang mag-alala besh baka sikat na artista ang para sayo at ang para sa akin ay artista na nasa Hollywood."

"Wow besh ha di masyadong mataas ang pangarap mo." Sabi ko sa kanya.

"Malay mo diba, bilog ang mundo." Sabi niya sa akin sabay sandok niya ng kanin.

"Mama mo ba nagluto nitong karikari?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, sarap nu. Itong itlog at tosino sayo to nakita ko dyan sa kabinet mo kaya niluto ko na para marami tayong ulam. "

"Salamat besh ha." Sincere na sabi ko sa kanya.

"Para sa pagluluto nito?" Tanong niya sa akin sabay subo.

"Para sa lahat ng ginawa mo para sa akin."

"Nako, ano pat naging kaibigan mo ako. At tyaka kung ano ka sa akin ganun rin ako sayo, kaya wag kang mag emot dyan kumain na mo na tayo dahil baka pariho tayong ma late."

Pagkatapos naming kumain. Nagsipasokan na kami sa kanya kanya naming destinasyon. Siya sa school, ako sa trabaho ko.
Dumaan ang tatlong buwan. Iginugol ko ang lahat ng attention ko sa trabaho. Pero pa minsan-minsan na aalala ko parin si zack. "Kumusta na kaya yun dun, sila ni moma?"

"Tok! Tok! Tok! "
May kumakatok na nagpabalik ng diwa ko. Kumakain kasi ako ngayon. Linggo kasi kaya walang trabaho.

"Sandali lang." Sabi ko at agad pinagbuksan ang taong kumakatok.

"Bakit mo nilock ang pinto besh?" Ani Kristy sabay pasok.

"Ano ka ba, iba na ang panahon ngayon marami ng akyat bahay." Sabi ko sa kanya sabay sira sa pinto.

"Akyat bahay, Ano namang aakyatin dito sa bahay mo, aber? Ay tika may binili ako sa iyo."

"Kain pala tayo besh" anyaya ko sa kanya.

"Nako ikaw na lang ang kumain niyang kinakain mo." Para pang nangdiri Si Kristy sa kinakain ko.

"Sarap kaya." Litanya ko.
Si Kristy naman umupo sa kabilang upuan at may hinahanap sa bag niya."  Ano naman yan? Malayo pa naman birthday ko ha."Tanong ko sa kanya. Nangmakita ni Kristy ang hinahanap niya, Inilagay niya ang isang supot sa mesa. "Ano 'to?" Tanong ko sa kanya sabay kuha sa supot at tinignan ang nasa loob nito. "Pregnancy test kit" Buntis ka?" Gulat Kong tanong sa kanya. "Sinong ama?"

"Tange, DibA sabi ko may binili ako sayo, yan na yun."

"Huh!? Nagbibiro ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro besh. Tignan mo nga yang kinakain mo, water melon naisinasawsaw mo dyan sa itlog na hilaw na nilagyan mo pa ng patis at suka, Ok ka lang? Sa tingin mo kinakain yan ng normal na tao?"

Fated To Be With This Gay Where stories live. Discover now