Chapter 30

164 12 0
                                    

****

Mekay's POV

"Maiwan ko mo na kayo iha, iho. Alam Kong miss na miss niyo na ang isat-isa." Para pang kinikilig na sabi ni moma bago kami iniwan sa may harden ng mansion.

"Moma talaga." Rinig Kong sabi ni zack habang pariho kaming nakatingin sa papaalis na si moma. Si moma talaga, ikakasal na nga ang apo niya sa iba. Kinikilig pa rin sa amin.

"Hali ka maglakad-lakad tayo dito sa harden." Sabi ni Zack sa akin. Ang awkward naman nito.

1 min of silence.

"Zack please huwag mo sanang ilayo ang mga anak ko sa akin." Basag ko sa katahimikan.  "Array! Bakit mo naman ako piniktusan?" Kunot noo tanong ko sa kanya habang hinihimas ang ulo ko na piniktosan niya.

"Di ka talaga nagbago, sino bang may sabi na ilalayo ko ang mga anak natin sayo?"

"Eh baka may balak kang ilayo sila sa akin. Diba yun yung mga nangyayari sa mga telenovela or sa mga story" Seryoso Kong tugon sa kanya.

"Hahaha kahit kailan talaga, baliw ka. Why would I do that? You're their mother, I don't have the right to do that." Huminto kami sa may maliit na tulay at sa ilalim nun ay fishpond kaya ang gandang pagmasdan.

"Sorry ha, dahil di ko kaagad nasabi sayo noong nagkita tayo. Natakot lang akong ilayo mo sila sa akin at isa pa nan doon si lydel. " seryoso Kong sabi sa kanya.

" You don't need to say sorry to me, I  understand. Between the two of us ,I should be the one saying sorry to you." Seryoso niyang sabi.

" Bakit naman?" Taka Kong tanong.

"I left you, di ko napanagutan ang nangyari sa ating dalawa. Nakuha ko pa ang V-card mo." Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa sinabi niya.

"Ano ka ba disgrasya ngalang ang nangyari, di mo ako kailangang panagutan. Lasing tayo noong mga panahon na yun. "Hindi ko alam pero parang may kakaibang emosyon sa mga mata ni Zack dahil siguro sa sinabi ko. Hindi ko nalang pinansin. " Siguro naman nakita at nabasa mo yung isinulat ko?" Tanong ko sa kanya. Bahagya gumuhit ang mga ngiti niya sa labi. Siguro dahil naalala niya ang mga sinabi ko sa sulat noong araw na may nangyari sa amin bago ko siya iniwan na mahimbing na natutulog.

"Yup, kala ko nga shonga nagsulat nun Ouch!" Sinapak ko ang balikat niya kaya hinimas niya ang kanyang balikat. "Kalerkey ka, para ka paring lalaki kung manapak." Tumingin ako sa kanya ng matalim.

"Tsk! Ikaw OA paring makareact hina lang kaya ng pagsapak ko sayo."

"Hmm cute mo paring mainis."

"Aray!" Inalis ko ang kamay niya sa ilong ko. Piningot niya kasi ito. " Ewan ko sayo, pero seryoso Zack. Alam naba ni lydel ang tungkol sa mga bata? " seryoso Kong tanong sa kanya. Bigla namang naging seryoso ang expression ng mukha niya. "Huwag kang mag-alala di ako hahandalang sa pagpapakasal niyo ni lydel.  At ako na mismo ang magpapaliwanag sa kanya na disgrasya lang ang nagyari sa atin kaya nabuo ang quadruplets." Ngumiti ako ng pilit para di niya mahalata ang kirot na nararamdaman ko na isiping nabuo lang ang quadruplets dahil na lasing lang kami at walang pagmamahalang namamagitan. Rumihistro na naman sa mga mata niya ang kakaibang na namang emosyon.

Fated To Be With This Gay Where stories live. Discover now