CHAPTER 5

274 22 3
                                    

***

Thirdpersons POV

Inihagis ni mekay yung shoulder bag at mga requirements niya sa kama. At ibinagsak ang pagod na katawan sa higaan. Kagagaling lang kasi niya sa paghahanap ng trabaho dahil nag resign na siya sa dating pinagtratrabahoan niya. Kahit masama ang pakiramdam niya pinilit niya paring maghanap ng trabaho.

"Hay nakakapagod talagang maghanap ng trabaho. Sana naman matanggap na ako dun sa pinag-applyan kong Burger House. Ayoko ko namang palaging mabulyawan ng baklitang yun.  Tika natutulog na Kaya yun? Ay ewan ba't ko ba siya hinahanap."

Napagpasyahan ni mekay na pumunta mo na sa balkonahe para magpahangin.

"Ganda talaga dito." Kitang-kita kasi niya ang laki ng buwan at ang masarap na simoy ng hangin. Napababa naman siya ng tingin dahil nakuha ng atensyon sa kanya ang isang lalaki na naliligo sa swimming pool.

"OMG! HALA! Sinong yung lalaking naliligo sa swimming pool? Likuran palang ulam na. Ay nako itigil mo nga yang kalandian mo Mekay. "Sino kaya yan? Siguro boyfriend to ng baklitang yo--? O MY GAY!" Napatakip si mekay sa kanyang bibig dahil sa nakita. Pag-ahon kasi nung lalaki sa pool na naka swimming trunks lang at nakilala niya kaagad kung sino ito.

"Si--si Zack ? Zack Colmenares? Ay tika parang familiar yung pangalan niya. Pero parang jack yata yun, ay nako never mind na ngalang. Ganda pala ng katawan ng baklang to."

Toots toots toots tototoots toots toots

Bigla tumunog yung cellphone ni mekay kaya agad-agad niya itong hinugot sa bulsa. At nakita niya kung sino ang tumatawag. Walang iba kundi ang lola ni zack na si Aurora.

"Hello, lola?"

****

Zack's POV

Ang sarap talagang mag swimming. Ito kasi ang isa sa stress reliever ko.

"O MY GOSH! MULTONG PANGET!" Aahon na sana ako. pero napaatras ako ng may nakatayong babae na natatakpan ang mukha ng mahabang buhok. Nakasuot ito ng white na T-shirt na V-neck at black na jeans.

"Sino ka? A-anong kasalanan ko sayo? Wala naman akong pinatay oh inagrabyado pwera dun sa nakakaimbyernang PANGET na si Mekyla pero buhay pa naman yun. Kaya please wag mo akong saktan." Tinakpan ko ang aking mga mata dahil sa takot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para na nga itong lalabas.

"Wag na wag mong inaasar at sinasabihang panget si Mekyla kundi papatayin kitang bakla ka."

Mas lalo akong natakot ng nagsalita ang multo at nakakatakot pa ang boses nito.

"Huhuhu hindi na po, promise." Itinaas ko ang aking kaliwang kamay as a sign of my promise at yung kanan naman at nakatakip parin sa mukha ko.

"Siguraduhin mo kundi papatayin kita."

"Opo, hindi ko na po talaga siya sasabihang panget, ugly nalang!" Nag nod ako habang hindi parin inaalis yung mga palad ko sa aking mukha.

"ANO!?" Bulyaw sa akin ng multo na nagpaidtad sa akin.

"Joke lang po, hindi ko na po talaga siya aasarin." Sabi ko sa multo habang tinatakpan parin ang aking mukha.

"Buahahhaha "

"Oh my gosh! Tinatawanan ako ng multong babae." mas lalo kong tinakpan ang aking mata dahil sa takot.

"Buahahhaha baklang matatakutin."

"Huhuhu ibang klaseng multo tong nagmumulto sa akin. Kinukotya pa ako." Patuloy ko paring tinatakpan ang aking mukha dahil ayokong makita yung multo.

"Hahahaha bakla! Hahaha grabe, buti pa yung mga bata sa probinsya ang tatapag eh ikaw, pang prince charming nga yung mukha at katawan daig pa ang babae kung matakot hahaha."

Tika, parang may mali. Parang sumusubra na ang multong 'to at tika, parang, parang nag-iba bigla yung boses ng multo." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mukha at parang umuusok ang aking mga tainga sa aking nakikita.

"Pangeeeeeeeet!" Panggalaiti kong sigaw. Natigilan naman si Mekyla sa pagtawa, kahit na halata sa mukha ang pagpigil sa kanyang pagtawa.

"Hehe sorry" nagpeace sign naman siya sa akin na mas kinainis ko. "Tumawag kasi ang lola mo gusto ka daw niyang makausap." Inabot naman niya yung cellphone sa akin.Tuluyan naman akong umahon sabay kuha sa phone na nasa left hand niya pagkatapos nilampasan siya sabay tulak ko sa kanya kaya nahulog siya sa pool.

"Yan ang bagay sayo, panget!" Galit kong sabi sa kanya.

"Haahm! Haahm! Tulo-! Haahm!"
Lulubog lilitaw si Mekyla sa pool.

"Pwede ba wag mo akong dramahan dahil hindi mo ako madadala sa paganyan-ganyan mo."

"Haahm! Tulon-! Haahm!"

"Alam mo panget di bagay sayo maging artista." Tatalikuran ko na sana siya pero nagdadalawang isip ako dahil parang totoo na talaga.

"Tulo--! Haahm! Tulo-! Haahm"

"Hoy panget itigil mo na ngayang kadramahan mo." Pero kinabahan na ako ng tumigil na siya sa paghingi ng tulong at parang lumubog na siya.

"Gosh, totoo na yata." Kaagad akong nagdive sa pool at kaagad siyang inihaun at pinahiga." Sobra na akong kinakabahan dahil mukha na siyang walang buhay.

"Please panget wag ka namang magbero ng ganyan." Wala na akong choice nito kundi bigyan ka ng CPR. Swerte mo girl at matitikman mo ang malambot kong lips.

"Ahm!" Pinamp ko naman yung tsan niya. Tatlong besis ko yung ginawa. At buti nalang at naibuga niya yung mga tubig na nainom niya.

"Bua!"

"Hoo! Sobra mo akong pinakaba girl."

***

Thanks po sa votes 😊

Hope u enjoy reading 😊

God bless 😇

Fated To Be With This Gay Où les histoires vivent. Découvrez maintenant