CHAPTER 6

290 18 2
                                    

***

TOk
Tok
Tok

Pangatlong Katok na ni zack sa pinto ng room ni mekay. At naghintay na buksan ito pero hindi parin binubuksan ni mekay.

"Hoy panget, gusto mo bang mamatay sa gutom? Ok lang sana kung hindi ako papatayin ni momma pero ako malalagot nun pag di ka kumain. Kaya pwede ba wag ka nang mag emot dyan. Kung--kung galit ka parin sa akin dahil doon sa nangyari nagsorry na naman ako sayo diba at diba kasalanan mo rin naman kaya muntik kang mamatay." Naghintay si zack na buksan ni mekay pero wala parin kaya pinihit na niya yung door knob at hindi niya inaakalang di pala ito nakalock.

"Ay di pala to nakalock, ang dami ko pa namang pinagsasabi." Pumasok narin ng tuluyan si zack at nakita niyang nakahiga ito at nakatalukbong ng kumot.

"Hoy bruha sarap ng tulog mo huh! Sabagay di na nakapagtataka dahil ganyan naman talaga ang mga tamad." Mataray na sabi ni zack pero nagtaka na sya kung bakit di parin kumikilos si Mekyla kaya nilapitan na niya ito at inalis ang kumot sa katawan nito. "Hoy bruh--" At napatakip bibig nalang siya.

"Oh my gosh! Anong nangyayari sayo?" Nakita ni zack na sobrang nanginginig na si Mekyla. Kaya kaagad siyang lumapit dito at hinawakan ang noo. "Oh my gulay! Inaapoy ka ng lagnat! Oh my gosh oh my gosh anong gagawin ko?" Taranta mode na si zack. "Oh my gosh I need to bring you in the hospital. But how? No one can carry you. Argh! I don't have any choice, I need to use the strength of Adan." Kaagad binuhat ni zack si mekay.

"Gosh! Grabe ang patpatin mo pero yung bigat mo pang dalawang sako ng bigas." Nabibigatang sabi ni zack.

****

MEKAY'S POV

"Asan ako?" Pagbukas ng aking mga mata nakita ko agad ang puting kisame. At may nakatirik naring dextrose sa aking kanang kamay. " Hala ba't ako nandito?" Sinubukan ko naring umupo.

"Hoy panget! Wag kangang magkikilos."

Kaagad napako yung paningin ko sa may pintuan ng pumasok ang bakla kong fience na saksakan ng taray. May dala-dala pa siyang prutas at pagkain.

"Tsk! Ba't ako nandito?" Mataray kong tanong sa kanya. Inilagay niya yung prutas sa may mesa bago ako tinugon.

"Dahil magpapa spa ka." Pilosopo niyang sabi. "Aray!" Kinurot ko yung kanang kamay niya gamit ang kaliwang kamay ko. "Why did you pinch me?" Kunot nuong tanong niya.

"Dahil ang bait mo sobra" pilosopo ko ring tugon sa kanya. "Bat ba Kasi ako nandito?"

"Inaapoy ka Kasi ng lagnat kaya dinala na kita dito. At hoy panget, wag na wag kang magsusumbog kay momma na isinugod kita dito sa hospital kundi--"

"Kundi ano?" Galit kong tanong sa kanya.

"Chuchumbagin kita"

"Ikaw chumvagin ko jan." Kunot noo kong tugon sa kanya.

"Try mo kung kaya mo." Pagtataray niya sa akin habang may hinalungkat sa mga pagkaing dala niya. Denedma ko nalang siya.
"Ooh yan, kainin mo." Inilahad niya sa akin ang isang bowl ng kanin at ulam na adobo. "Oh ano? Tititigan mo nalang 'tong pagkain O baka nag eexpect kang susubuan kita tulad ng mga nasa teleserye nakikita mo."

Pagalit ko nalang kinuha yung bowl mula sa kamay niya sabay irap ko sa kanya.

"Hindi nu! Ba't ko naman iisipin na gagawin mo yun, baklang 'to."

"Hoy hoy hoy, anong bakla?"

"Oh bakit? Sasabihin mong hindi ka bakla kasi babae ka, nako lumang tugtugin na ng mga bakla yan."

Fated To Be With This Gay Where stories live. Discover now