Chapter 24

168 15 1
                                    


***
Naamaze naman si mekay sa room ni zack. Ang linis nito at sobrang organize. Di to mukhang pang bakla dahil sa kulay nito. White and dark ang motif ng room niya. Ngayon pa kasi nakapasok si mekay sa room ni zack dahil noong nakatira siya dito hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makapasok rito.

"Di ka talaga bakla anu?" Tanong ni mekay.

"Umandar na naman yang pagkashongashonga mo? Bakit yan na naman ang pumasok sa kukuti mo?"

"Eh bakit di kulay pink tong room mo? Diba ang bakla mahilig sa pink."

"Di lahat ng bakla mahilig sa pink, mukha nito."

"Ah ganun ba, oh di, di na. Eh tika nga, anong meron dito? Bakit mo ako dinala rito?" Tanong niya Kay zack.

"Magbibihis lang ako ng swimming trunks sa loob ng banyo. Tas maghanap ka na rin ng maisusuot mo pang swimming, magnanight swimming tayo." Ngiting sabi ni zack pagkatapos agad itong pumasok sa banyo.

"Hoy zack, nalimutan mo bang wala na akong damit dito?" Sabi ni mekay Kay zack na nasa loob na ng banyo.

"Meron, nandyan sa puting kabinet  iniligay yun ni aling koring. Kunin mo nalang." Sabi ni Zack mula sa banyo.

"Paano ako nagkaroon ng damit dito sa room mo?" Takang tanong ni mekay.

"Nakalimutan mo kasing dalhin yung mga labahin mo noong umalis ka rito. Pinalabhan ko nalang Kay aling koring."

"Ay talaga, nakakahiya naman. Eh tika bakit di sa kwarto ko inilagay ni aling koring mga damit ko?"

"Sabi niya kasi noon, soon to be wife naman daw kita kaya dapat nasa room ko yung mga damit mo."

"Aling koring talaga." Pumunta nalang si mekay sa may puting kabinet. Nagtaka naman siya ng pagbukas niya ng kabinet kaunti ang damit ni zack na nakalagay rito. Di nalang niya ito pinansin. Hinanap nalang niya ang kanyang mga damit. Napagdesisyonan niyang di magnanight swimming kaya yung pambahay nalang ang isusuot niya. Shorts na above the knee at T-shirt na may naruto at hinata na nakaprint. Pero kahit naman maligo siya pambahay parin ang isusuot niya. Di niya kasi carry ibalandra ang katawan niya na nakasuot lang ng panty at bra. Ibinukod niya yung damit na susuotin niya. Naghubad na siya ng slacks pagkatapos yung damit niya. Sa harap siya sa kabinet nagbihis kaya di niya napansin na nakalabas na pala ng banyo si Zack na naka tranks na, pero natabunan ito ng towel hanggang sa dibdib niya.
Nakaside view si mekay sa paningin ni Zack. Di naman mapigilan ni Zack na mapatitig sa katawan ng ex-wife niya. Dahan-dahan niya itong tinitigan mula ulo hanggang paa. It is the first time na matitigan niya itong nakapanty at bra lang. Noon kasing nalasing ito, binihisan niya ito ng nakapikit o di kaya nakalingon ang ulo nya. At di niya maipagkakailang ang ganda ng kurba ng katawan nito. And without his consciousness napa gulp siya and suddenly he feels hot. While mekay was about to dress up ng mapansin niya si Zack na nakatingin sa kanyang katawan.

"Oh my galay! Zack!" Zack regain his consciousness ng biglang sumigaw si mekay at nagkandarapang itabon sa katawan niya yung damit na isusuot na nya sana. Kaya tumalikod kaagad si Zack.

"Ay nako sorry! Kala ko naman kasi nakabihis ka na." Paliwanag ni Zack. Dalidali namang nagbihis si mekay.

"Nagsabi ka man lang sana na lalabas ka na. "

"Eh sa di ko nga alam. Tyaka wag kang mag-alala nakita ko na naman yan." Nakatalikod na sabi ni zack.

"Ano?" Gulat na sabi ni mekay.

"Noong naglasing ka sa birthday party ng momma,  ako nagbihis sayo. Kaya wag kang OA dyan makareact."

"Ay oo nga pala." Pahiyang sabi ni mekay." Oh yan humarap ka na, tapos na akong magbihis. Pero hoy nakita ko yung pagtitig mo sa katawan ko kanina ha." Lumingon na rin si Zack kag mekay.

Fated To Be With This Gay Where stories live. Discover now