Chapter 13

177 18 2
                                    

***

Isang buwan na ang nakalipas na hindi pa nagkikita ang dalawa at isang buwan nalang din ang natitira bago ang kasal nila. Minsan napapaisip siya sa mangyayaring kasal. Gusto nyang mag-isip ng paraan kung paano di matuloy ang kasal pero wala talaga siyang maisip na paraan. Minsan sumusulpot rin sa kanyang isipan kung kumusta na si Zack at kung ano ang ginagawa nito ngayon. Pero naiinis lang siya sa tuwing naiisip niyang, siguro nagpapakasaya lang ito kasama ang ibang lalaki.
Pagkatapos ng duty ni mekay inihatid siya ni mark na madalas naring nangyayari, kasama ang kanyang mga katrabaho sa burger house. Si mekay nalang ang huling ihahatid ni mark, mas malayo kasi ang tinitirhan nito.

"Sir salamat talaga ha, palagi mo nalang po kaming inihahatid nagmumukha ka tuloy driver namin."

"Ikaw ba di nagsasawang humingi ng salamat sa akin? Stop thanking me mekay instead think about me." Nag smirk naman si mark sa sinabi nito habang nakatingin parin sa tinatahak na daan.

"Po?"

"Biro lang"

"Sir talaga."

"Mekay "

"Sir?"

"I know something's bothering you. Tuloy parin ba ang kasal niyo?"

"Hu? Nino? Ay he-he nga pala, ikakasal pala ako anu nalimutan ko."

"Alam mo ikaw lang ang nakilala kong ikakasal na nalimutang ikakasal. At bakit parang di ka masaya? At kahit minsan man lang di ko nakita na dumalaw yung groom mo sa trabaho.

"Ah eh para.. Para po may excitement sa araw ng kasal namin, kumbaga nagpapamiss po kami sa isat isa."( Ano ba Naman yang alibi mo mekay". Sa isip-isip ni mekay.) " Tyaka tungkol naman po sa wedding plan,ang Lola lang po kasi niya ang nag-aasikaso ng lahat ng kailangan sa wedding namin.

"Aah ganun ba.. I doubt if you remember this but i know na napipilitan lang kayong ikasal sa isat-isa becuase of mrs. Colmenares. "

"Hu? Nako di po ha? Nagmamahalan po talaga kami ni Zack, iba lang talaga kami magmahalan. " Depensa naman ni mekay.

" Pero ano yung sinabi mo nung nalasing ka?"

"May sinabi po ba ako sa inyo noong nalasing ako?" Medyo kabadong tanong ni mekay.

"You told me this , "paki kung ano shabihin nila basta ayokong makashal sa baklang yun, tsk ang shama ng ugali.. pero.. pero Kong dhi naman ako magpapakasal di naman kaya ng kunsinsya ko kung may mangyari sa lola niya."" Ginagaya pa ni mark magsalita si mekay noong nalasing ito.

"Si-sinabi ko po ba talaga yan?" Kabadong tanong ni mekay Kay mark.

"Yup "

"Patay!" Napaisip nalang si mekay. " Sir may.. May sinabihan ba kayong iba tungkol sa sinabi ko sa inyo?" Kabadong tanong ni mekay.

"Yup, in fact nasa newspaper na nga. At siguradong marami na ang nakakaalam." Confident pang sabi ni mark.

"Sir naman, pina newspaper niyo pa di mo nalang pinabroadcast sa tv." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mekay Kay mark. "For sure malalagot ako nito Kay bakla at lalong-lalo na sa lola niya, paano nato?" Bulong ni mekay sa sarili na ngayon ay parang binagsakan ng sanlibutan na nakabusangot ang mukha.

"Ayaw mo nun, di na matutuloy ang kasal niyo."

" Di nga matutuloy, ako naman ang magiging dahilan kung may mangyaring masama Kay Lola aurora at yun ang di kakayanin ng kunsinsya ko. Mas pipiliin ko pang makasal Kay Zack kaysa may mangyaring masama Kay Lola aurora." Malungkot na sabi ni mekay.

"I see, you really have a good heart mekay. You are willing to give up your happiness just to save others life. That's why I'm sorry, im really sorry."

"Aanhin ko pa yung sorry niyo sir kung nandyan na yan, la na tayong magagawa, pero paano ko to masusulusyonan?." Problemado paring sabi ni mekay.

Fated To Be With This Gay Where stories live. Discover now