Chapter 32

156 10 1
                                    


***

Mekay's POV

Nasa labas kami ngayon ng mansion ni moma. Papaalis na kami papuntang airport. We are going to boracay, sa isla de colmenares para sa aming honeymoon. Di kasi kami nakapag honeymoon doon. Kasi you know na 😅
Sa harden ng mansion ginanap ang renewals of vows namin ni Zack. And now I am wearing a white off shoulder gown while Zack wears black toxedo that always fit to him. He really look handsome sa lahat ng sinusuot niya. Mga importanting tao lang din sa buhay namin ang mga bisita. Katulad nila mark at kristy at ang mga taga mahayahay drive. At mga iilang bisita nila zack. Si lydel naman di na nakadalo dahil umalis na ito pabalik ng france for important matter daw.  Ang lahat ng bisita ay nasa loob ng mansion. Minabuti kasi namin ni Zack na si moma at ang mga anak lang namin ang maghahatid sa amin dito sa labas ng mansion

"Mama, Papa pwede po ba kaming sumama sa inyo?" sabi ni Zane sa amin.

"Oo nga po ,papa mama. Sama nalang po kami sa inyo." Pagsusumamo ni Keisha. Yumuko ako para magpantay kami ng mga anak ko.

"Nako mga babies, gustohin man namin pero di pwede." Sabi ko sa aming mga anak. Kinarga naman ni zack si Clark.

"Gusto niyo ba magkaroon ng baby sister and baby brother?" Tanong ni Zack sa mga kambal na iwan ko, parang nagblush ng mukha ko. Charot! Blush talaga. Teenager Te?

"Gustong-gusto po." Masiglang tugon ng mga bata. Ibinaba ni Zack si Clark and he bend down.

"So kailangan kami lang ng mama niyo ang aalis para magawan na namin kayo ng kapatid." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Zack sa mga bata.

"Gusto niyo ba apat na kapatid agad?" Biglang sabi ni moma, napatingin naman kaagad ang mga bata kay moma. My gosh another quadruplets talaga moma? Kalerkey! Napaisip nalang ako.

"Opo opo" sunodsunod na pagsang-ayon ng mga bata sa kanilang moma.

"Ganun pala  eh, so hayaan niyo na ang mama't papa niyo na makapagsolo."

"Opo Granny!" Sabay tugon ng mga bata.

"OK na po sa amin mama papa." Sabi ni althea sa amin na may ngiti sa nga labi."

"O sige na , umalis na kayo iho, iha baka malate pa kayo sa flight."

"Kiss mo na mga babies." Sabi ni Zack. Isa-isa naman namin ginawaran ng halik ang aming mga anak bago pumasok sa kotse.

"Sana pag-uwi niyo mama papa may mga kapatid na kami." Sabi ni Althea na nagpangiti sa amin ni Zack. Ang cute lang tignan ng mga anak namin.

"I assure you that baby." Tugon ni Zack sabay kindat sa kanyang mga anak.

"Wag niyong bigyan ng sakit ng ulo si granny ha?" Tugon ko.

"Opo mama." Sabay tugon nila.

"Take care of each other babies and take care also your granny." Bilin ni Zack sa mga anak.

"Opo papa, ingat rin po kayo." Sabi ni Clark.

"Bye mga anak." Bago pinaandar ang kotse.

"Bye mama, bye papa." Sabi ng mga bata Sabay kaway sa amin habang papalayo ang sinasakyan namin.

Hinawakan ni Zack ang kaliwang kamay ko, pinag intertwined ito at dinala sa mga labi niya, habang di inaalis ang paningin sa daan. Pagkatapos niyang halikan ang kaliwang kamay ko di na niya binitawan ito.

"Zack! Paano ka makakapagdrive nang maayos niyan? Bitiwan mo kaya kamay ko."

"In one condition, stop calling me  Zack, how many times I told you that, call me gaybabe.

Fated To Be With This Gay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon