CHAPTER 8

228 14 0
                                    

***

Parang statwa si Kristy na nakanganga dahil sa nasaksihan kaya kaagad ko syang hinila palabas ng bahay. At ito ngayon parang nakakain ng kitikiti dahil sa sobrang kilig.

"Ayeiiih kinikilig talaga ako sa inyong dalawa besh. Nung nakita ko kayo kanina para talaga akong nanunuod ng live movie, ayeiiiih sobrang talaga akong kinili-- aray!" Napaaray si Kristy dahil piniktusan ko nabibingi na kasi ako sa ka ayeiih ayeiih niya.

"Ilang besis ko bang sasabihin sayo besh na wala lang yun, inaasar lang talaga ako ng baklitang yun, kaya pwede ba itigil mo nayang kiligkilig na yan." Asar kung sabi sa kanya sabay para ng taxi.

"Basta magiging totoo yung ini-expect kong sinasabi sa iyo, maiinlove kayo sa isa't-isa ayeiih." Kinilig pa niyang sabi.

"Ayeih ka nang ayeiih pumara kana ng tricycle at sasakay na rin ako."

"Aay basta may forever kayong dalawa, diba author?"

"Shonga! Sige na una na ako sayo." Binuksan ko naman yung pinto at pumasok ng tuluyan sa taxi. "Hoy Ikaw pumara kana ng tricycle at baka malate kapa sa klase mo."

"Opo, ayeiiiih!"

"Ewan ko sayo besh." Napangiti nalang ako sa inasta ni Kristy. Si Kristy kasi 3rd year college na, pinabalik kasi siya muli sa pag-aaral ng kanyang ate na nasa England nagtratrabaho.

*****

Pagkatapos ko sa trabaho heto ako ngayon nag-aabang ng taxi nang may biglang huminto sa tapat ko na itim na kotse at kung di ako nagkakamali kay boss 'to. Unti-unti namang bumaba yung window ng kotse.

"Mekay hop in, sabay ka na sa akin. Ihahatid na kita sa inyo." Ngiting sabi sa akin ng boss kong si Mark.

"Aay nako wag na po boss! Maaabala pa kayo sa akin."

"Sorry but I insist" Ngiting tugon ni boss.

"Aah excuse me." Medyo tinulak pa ako nung dalawa kong kasamahan sa trabaho. Na parang may itinatagong galit sa akin.

"Hi sir!" Pacute na sabi ni kim.

"Aah sir, kami po di tatangi makikisakay po talaga kami." Sabi ni Carla.

"Di naman po kami tulad ng iba dyan na pabebe, aayaw-ayaw pa gusto naman." sabay irap nya sa akin.

"Aah sige sakay na kayo." Agad-agad namang pumasok sila Carla at kim sa loob ng kotse ni sir na ang lalaki ng ngiti na kinikilig.

"Tara na sir" kilig na sabi ni kim.

"Sorry girls pero di tayo lalarga kong hindi sasabay sa atin si Mekyla."

Agad namang nagkiller look silang dalawa sa akin habang si sir nakangiti sa akin.

"So ano tatayo ka nalang ba dyan?" Tanong ni boss sa akin.

"Po?"

Bigla naman lumabas si kim sa kotse at galit na nakatingin sabay bulong sa akin. "Sasakay ka o Ikaw ang magbibigay ng lahat ng  mga order ng mga costumer bukas?"

"Ha? Ikaw naman nagbibiro lang ako kim. Aah sige boss sasabay nalang po ako sa inyo." Ngiti kong sabi kay boss.

"It's good to hear that, so hali na kayo." Sabi ni boss sa amin.

"Buti naman!" Bulong ni kim sa akin bago umikot sa harapan ng kotse at pumasok sa frontseat ng nakangiti. Ako naman ay pumasok na sa kotse katabi si Carla. Ang bait talaga ni boss naalala ko tuloy yung first time kaming nagkita. Ginawa lang pala niya yun dahil trip lang niya. Chaka Diba 😅

***

"Thankyou boss sa paghatid sa akin. " Sabi ko kay boss na nasa loob ng kotse. Ang dalawa ay nahatid na ni boss kaya ako yung huling inihatid niya.

Fated To Be With This Gay Where stories live. Discover now