Chapter 16

160 16 1
                                    

***

"Wow ganda naman ng islang to, kasing ganda ko." manghang sabi ni mekay na nakanganga habang may daladalang back pack.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo." Sabi naman ni Zack ng makababa na ito sa yatch. At marinig ang pinagsasabi ni mekay.

"Tsk! " ismed ni mekay. "Ay wow may tree house pala doon oh." Manghang sabi ni mekay ng matanaw nito ang tree house di kalayuan. Napatingin rin si Zack.

"Dyan po kayo mag iistay ma'am." Tugon naman ng crew ng yatch na pagmamay-ari ng lola niya.

"Ay talaga po." Tuwang sabi ni mekay.

"Ay wait manong, kailan niyo kami babalikan dito?" Baling ni Zack sa crew na nasa taas na ng yatch.

"Sorry po sir, di po kasi nasabi ni madam."

"Aah ganun ba."

"Sige po sir alis na po kami."

Paglingon ni Zack kay mekay wala na ito sa tabi niya kundi papunta na sa may tree house.

Nasa "LA ISLA DE COLMENARES" kasi sila. Isla na pagmamay-ari ng mga COLMENARES. Maliit lang ito. Ito ay di kalayuan sa boracay.
Tradition na ng pamilya COLMENARES na dito ginagawa ang first honeymoon ng bawat colmenares na kinakasal. At nalaman lang ito ni Zack ng sabihan sila ng tauhan ng momma niya kanina sa yatch.

"Gosh I hate this! Bakit kasi may tradition2x pang ganito." Wala narin siyang nagawa kundi sumunod kay mekay papunta sa may tree house. Di  ito maliit, di rin ito malaki.
Nagtaka naman si Zack ng patakbong bumaba si mekay sa tree house at  sinalubong siya.

"Akin na, ako ng magbubukas." Excited na inilahad ni mekay ang kanyang kamay kay Zack.

"Anong akin na?" Takang tanong ni Zack.

"Yung key! Bilis akin na."

"Key? Wait wag mong sabihin lock yung house?" Gulat na tanong ni zack.

"Hala! Wag mo ring sabihin walang ibinigay na key yung tauhan niyo?"

"My gosh!" Nasapo nalang ni Zack ang mukha niya.

"Patay! Dumidilim pa naman na tas parang uulan pa. Ibig sabihin nito dito tayo sa labas matutulog?"

"Eh ano pa nga ba?" Mataray na sabi ni Zack. Wala narin silang nagawa kundi bumalik sa may sea shore na nanlulumo. At nang pagdating nila dun biglang may napansin si mekay sa may gawing kanluran.

"Hoy Zack, tignan mo yun?" Itinuro ni mekay ang isang tent. Napalingon naman si Zack dun sa itinuro ni mekay. "Baka may tao roon, bilis tignan natin." Patakbong pinuntahan ni mekay yung kulay pulang tent na may design  na mga maliliit na heart.

"Gosh! Parang may kutob na ako rito." Sabi ni zack sa sarili. Sabay sunod Kay mekay.

"Walang tao eh." Sabi ni mekay pagdating ni Zack. "Ay tika baka naghahanap ng kahoy para panggatong. Hintay nalang tayo dito. Siguro may mag hohoneymoon rin dito anu?" Sabi ni mekay.

"Gosh! Anong pinagsasabi mong ibang maghohoneymoon? Kadiri and gosh your really such a bobo." Sabi ni Zack Kay mekay.

"Sarap mo talagang pumuri nu. Ano nanaman bang nasabi ko at ganyan ka nanaman magsalita sa akin ha?" Medyo galit na tanong ni mekay.

Imbes sagutin ang tanong ni mekay. Inunzip ni Zack yung tent at pumasok rito.

"Hoy Zack! Ba't ka pumasok dyan hoy? Baka dumating yung may ari niyan sabihin mga magnanakaw tayo."

Bigla namang lumabas si Zack sa tent na nakabusangot ang mukha.
"Can't you read? Basahin mo nga yang nakalagay sa tent." Galit na sabi ni Zack. Doon lang napansin ni mekay ang nakaprint sa harap ng tent.

Fated To Be With This Gay Where stories live. Discover now