Chapter 18

140 15 0
                                    

***

***MEKYLA'S POV**


THIRD PLAN

Maypasabisabi pa siyang palpak raw yung plano ko eh palpak rin pala  yung kanya. Kaya ako naman ngayon ang nakaisip ng plano.

"Hoy mekay pwede mo ba akong turuan kung paano maglinis at maghiwa ng isda." Tanong niya sa akin habang ako ay naglilinis ng isda.

"Oo sure. Pagmasdan mo muna ako ng mabuti. Ganito lang yan." Kaagad akong nagpakitang gilas sa paglinis at pahiwa ng isda. "Oh ikaw naman." Ipinahawak ko sa kanya yung kutsilyo.

"Ganito ba?" Kinaliskisan niya ang isda pero makikita mo yung panghawak niya na parang isang dekada bago matapos.

"Hay nako! Hindi ganyan. Ganito. Hindi ka ba nanuod sa akin kanina?" Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa kutsilyo. Hahawakan ko na sana yung kabilang kamay niya para sana maayos Kong mademo sa kanya  kaso di ko abot yung kabilang kamay niya. Nasalikuran niya kasi ako. "Tika, ang laki mo naman eh." Likramo ko.

"Hay nako bat kaba nandyan? Dito ka." Bigla niya akong kinulong sa mga braso niya. Siya na ngayon ang nasa likuran ko. "Oh ayan idimasmadali mo ng maituro sa akin. Bobo mo talaga."

"Wow ha salamat sa papuri." Tugon ko sa kanya na medyo galit ang tono ng pananalita. Naka feel naman ako ng bahagyang ka awkwardan dahil sa posisyon namin. Dahandahan ko namang itinuro sa kanya yung dabat gawin. Habang hawakhawak yung kamay niya.

" Ganito mo dapat gawin." Nasapart na kami kung saan hinihiwa na yung isda.

"Ouch!" Inda niya.

"OK ka lang? Napano? Naputol ba?" Pag-aalala Kong tanong. Habang siya sinisipsip yung index finger niya.

"Piktosan kita dyan eh! Gusto mo putulin ko daliri mo?" Galit niyang sabi sa akin.

"Ay grabe siya! Nagtatanong lang naman ako. Akin na nga yang kamay mo." Pwersahan ko itong kinuha at tinignan yung index finger niya. "Ang liit lang pala nito, malayo sa bituka."

"Eh talagang malayo ang kamay sa bituka. Try nating putulin yang kamay mo." Asar niyang sabi sa akin.

"Ay wag! " iniwas ko naman ang kamay ko sa kanya. "Mahal ko pa tong kamay ko ano tulad ng pagmamahal--"

"Tulad ng ano?" May tonog pagbabanta niyang sabi sa akin para di ko ituloy yung sasabihin ko.

"Pagmamahal ko sa sarili ko. Ganun! Akin na nga kamay mo." Kaagad Kong kinuha ang kamay niya at sinipsip ang index finger niyang may maliit na sugat. Hindi ko alam pero parang bahagya siyang na shock sa ginawa ko pati rin ako ay nabigla sa ginawa ko. Napatigil naman ako sa pagsipsip at dahandahang napatingin Kay Zack.

"What are you doing?" Kunot nuong tanong niya. Agad ko namang binitawan ang kamay niya.

"Ay he-he para mawala yung dugo."

"Tsk! Iwan ko sayo, dyan ka na nga." Bigla naman siyang nag-walk out. Minsan napapansin ko sa baklang yun napapatitig sa akin, nakikita ko kasi sa peripheral vision ko. Oh siguro assuming lang ako.

Third plan ( PASSED or FAILED)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
FAILED

****

FOURTH (4th) PLAN

Nabasa niyo naman siguro na failed na naman yung 3rd plan namin. Hay! Iwan ko kung itong pang 4th eh makakapasa ba. Siya naman ang nag-isip nito. Kunwari kukunin ko yung book pero di ko abot kaya kinuha ko yung isang bangko at sapilitang inaabot yung aklat na di ko alam kung ano.

Fated To Be With This Gay Where stories live. Discover now