Chapter XXXIII

443 7 0
                                    

Chapter 33

Sean Luigi's POV

Ano ang dapat kong gawin, hindi ko alam. Sana may kapangyarihan ako na pagalingin si Aya pero wala akong ganoon sana lang talaga. Ayaw ko ng ganito, alas tres na ng madaling araw at kanina ko pa gustong-gusto na makita at mahawakan si Aya. Pero ayaw pa akong papasukin ng Nurse. P*** lang, halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.

Una, lungkot. Masakit man isipin pero bakit si Aya pa ang nagkaroon noon. Pwede namang ako? Hindi naman masamang tao ang girlfriend ko bakit binigyan siya ng kalikasan ng ganoong sakit. Hindi ba pwedeng ako na lang? Alam kong mahirap at masakit ang iniinda ni Aya ngayon, kung pwede lang ilipat na lang sa akin yan. Papayag ako! Wag lang siyang maghirap ng ganito.

Pangalawa, GALIT. Ayaw nila akong papasukin sa kwartong iyon! Okay na daw si Aya pero hindi pa din nagigising. Anong OKAY doon?! TANGA ba sila? Hindi pa nga nagigising yung tao, OKAY na? Minsan gusto ko na din murahin at suntukin itong mga Nurses at mga Doctor na ito eh. Hindi ko ba pwedeng makita man lang siya? Gusto kong haplusin ang buhok niya, ang mukha niya, pisilin ang malalambot niyang kamay at halikan ang matamis niyang labi. :(

"Sean, bakit nandito ka pa? Umuwi ka na. baka hinahanap ka na sa bahay." napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Tita Sally na parating. Pinunasan ko ang luha sa mata ko, at umupo siya sa tabi ko.

"Kayo na ba ng anak ko?" nagulat ako sa tanong niya pero napangiti din pagkatapos. Oo nga pala, hindi pa pala niya alam. Siguro, hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Aya na sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Kaya napangiti ako doon dahil ako na lang ang magsasabi sa kanya.

"Opo, Tita"bigla niyang hinawakan ang ulo ko.

"Call me Mommy Sally." tapos nginitian niya ako, pero maya-maya lang nakita ko na namuo na naman ang luha sa mata niya kaya niyakap ko siya.

"Shhh, everything will be alright. M-Mommy.. Sally.." mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Mommy at naramdaman ko din na sobra na ang iyak ni Mommy. Kahit ako naiiiyak na naman ako, sana magising na ulit siya.

"Let's pray to God na sana umayos na ulit si Chopsticks" nagulat ako sa nasabi ko dapat Aya ang babanggitin ko pero ang nasabi ko ang tawag ko sa kanya. Naramdaman ko naman na gumigiggle si Mommy Sally sa akin at bumitaw na sa akin.

"Nakakatawa naman ang tawag mo kay Bianca, bakit Chopsticks ang tawag mo sa kanya?" pinunasan na niya ang luha niya at nakita ko naman na nakangiti na siya ngayon. Napatungo naman ako at napakamot ng batok. Nahihiya akong magkwento... >__<

"I want to know.." sabi ni Mommy Sally

"Kasi po nung kakain kami instead na hanapin nya ang kutsara, chopstick mo ang hinahanap. Ang chinese lang nya.." tapos napakamot ako sa ulo ko. Tapos si Mommy Sally naman tumawa naman, shet nahihiya ako ngayon >___<

Nang biglang may lumapit sa amin na Doctor na lalaki. Tumingin kami sa kanya at hindi ko alam nakaramdam ako ng kaba..

"Ikaw po ba ang asawa ni Aya Bianca Lim?" nakatingin siya sa akin ngayon... Bakit ganito ang nararamdaman ko. Dapat masaya ako dahil napagkamalan akong asawa kahit sa totoo lang boyfriend pa lang niya ako pero kaasar naman eh kinakabahan ako.

"A-ano p-po.." di ko natuloy ang sasabihin ko

"Bakit po Doc?! Ano na pong nangyari sa anak ko? Hindi po siya asawa, boyfriend pa lang siya ng anak ko" sabi ni Mommy Sally na ngayon ay nakatayo na..

"Ah ganoon po ba, may sasabihin po kasi ako." tapos umupo naman si Tita Sally  "--huwag po kayong magugulat sa sasabihin ko" pagpapatuloy nung Doctor.

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon