Chapter XXXVI

389 5 0
                                    

Chapter 36

Sean Luigi's POV

"Yun ba talaga ang gusto mo?" maling tanong naman oh! Gustong gusto ko ng umiyak habang tinatanong ko siya nyan pero ayaw kong magpakita na mahina ako. Habang hinihintay ko ang sagot niya hinihiling ko na sana humindi siya. Ayaw kong mawala siya sa piling ko. Mahal na mahal ko siya at aaminin ko mali nga ang ginawa ko. Pero sana pagpaliwanagin niya ako at ikwekwento ko sa kanya lahat lahat wag lang kaming humantong sa ganito. Pero bumagsak na ata ang buong mundo sa akin ng marinig ko ang

"Oo" nyang sagot pagkatapos kong marining iyon lumabas na ako ng kwarto at tumulo na ang luha ko. Hanggang dito na lang ba talaga kami? Marami pa akong gustong gawin kasama siya, gusto ko pang iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal, pero hanggang dito na nga lang talaga. Ang laki nga siguro ng kasalanan ko sa kanya.

Hindi man lang ako nakahingi ng sorry. Gusto kong bumalik doon sa kwarto niya at yakapin siya ng mahigpit at magmakaawa na wag na lang siyang makipag kalas sa akin. Ang sakit lang! Pakiramdam ko nahahati ang puso ko sa thought na wala na kami ngayon. Mahal na mahal ko siya at siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. 

Pagkalabas ko ng kwarto nakasalubong ko ang Mommy ni Aya. Si Tita Sally, hindi ko na siya ulit siya matatawag ba Mommy dahil wala na kami ng anak niya.

Tinignan lang niya ako ng masama yung tingin na nandidiri. 

Siguro siya ang nagsabi kay Aya noon, balak ko naman talagang sabihin sa kanya iyon pero talagang may dumadating kaya nauudlot ako. Gusto ko din sabihin sa kanya yung tungkol sa anak namin at sa nangyari sa amin ni Mai. Ikwekwento ko naman iyon dahil nangako ako sa sarili ko na wala akong isisikreto sa kanya. Pero wala na eh.. 

Wala na kami. :'(

Ang pinagtataka ko, sino ang may kakagawan nito? Paano nalaman ni Tita Sally ang mga bagay na iyon? Panigurado may isang tao na sumisira sa akin ngayon.

Pwes hahanapin kita nang dahil sayo nawala sa akin ang pinakamamahal ko. Nasira na ang tiwala niya sa akin. 

Sumakay na ako sa kotse ko at binuksan ang radyo. Sakto ang kanta oh!  Hindi muna ako nagpaandar ewan ko gusto kong mag emote muna. Ganito pala kapag broken hearted.

I can still remember yesterday

We were so in love in a special way

And knowing that your love

Made me feel... Oh... So right

But now I feel lost

Don't know what to do

Each and everyday I think of you

Holdin' back the tears

I'm trying with all my might 

Parang gusto kong bumalik doon. Ayaw ko na sa ganito matatapos ang lahat.

Because you've gone and left me 

Standin' all alone

And I know I've got to face 

Tomorrow on my own

But baby

Before I let you go

I want to say I love you... 

I hope that you're listenin'

'Coz it's true, baby... 

You'll be forever in my heart

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon