Chapter XXXVII - Kiss Kiss

526 6 3
                                    

Chapter 37

 Aya Bianca's POV

"BIANCA!" binitawan ko ang matangos na ilong ni Sean at tinignan si Mommy. Tinignan ko lang siya at kitang kita ko na hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya. Napa sigh na lang ako sa isipan ko. Nakita ko na lang na palapit na sa amin si Mommy. Kinuha ko yung kamay ni Sean sa likuran ko at hinawakan ito ng mahigpit.

"-What's the meaning of this, Aya? Hindi pa ba sapat yung napanuod mo? Bakit di ka magising sa katotohanan na niloloko ka lang ng lalaking iyan!" 

 "Mommy.."

"Ikaw Sean, ano pa ang ginagawa mo dito? I thought the two of you broke up, nakikipag balikan ka ba? Pwes, I'll be straight forward aya--"  I cut her off.

"MOMMY! Before you judge us please pakinggan mo muna kami!" sigaw ko. Nakakaasar kasi puro satsat agad. Ipaglalaban ko pa ang pag-iibigan namin dalawa eh. What a word! Tinignan lang ako ni Mommy ng masamang tingin pero gets ko na ibig sabihin noon.

"Lahat ng nangyari ay aksidente lang. Nagpakalasing si Sean because of frustration." bigla naman nag salita itong nasa likuran ko.

"Yes totoo po ang sinasabi ni Aya. Nagpakalasing ako dahil di ko na alam ang gagawin ko. Lalo na nung nalaman ko na buntis si Aya at kailangan mamili sa kanilang dalawa. Halos gumuho ang buong mundo ko kaya ang tanging pumasok sa isip ko ay alak. Pero believe me nagsisisi ako sa ginawa ko. If I knew na mangyayari ito, di ko na sana ginawa iyon. Mahal na mahal ko si Aya, di ko kakayanin na mawala siya sa akin ng ganito lang. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito"

Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. And I swear parehas na ata kaming maluluha. Niyakap ko na lang siya. Wala akong pakielam kung ayaw ni Mommy kay Sean. Ang mahalaga na ngayon , mahal namin ang isa't-isa.

"Hayss, may magagawa pa ba ako -_-" naka poker face na sabi ni Mommy. Bigla na lang akong tumayo, at niyakap si Mommy. Mabuti na lang at malapit siya. I hugged my Mom so tight.

"Thank you Mommy!" 

"Shut up, Bianca. Aalis na muna ako at aayusin ko ang paglabas mo sa Hospital. And also wag mong kakalimutan yung alis natin next week."  

Tinignan lang ako ni Mommy ng seryoso at lumabas na ng kwarto. Humarap ako kay Sean at nginitian ko siya ng napakalapad.

"YES!" sigaw ko sabay lundag sa kama at niyakap siya.

 - - -

Woooh thank God nakalabas na ako sa Hospital! Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ng Bhest ko. Kasama ko si Rhaisa, kung tatanungin nyo kung nasaan si Sean nasa work siya. Akala ko nga di siya papayag na pumunta ako kila Daryll. Alam nyo naman ang boyfriend ko ang seloso -_-. So ayun na nga bago ako payagan gumala ni Mommy aba talagang ang daming bilin kay Rhaisa at Bhest na bawal daw sa ganyan, di daw dapat maganyan.. Hayss, seriously.. Pakiramdam ko baby pa ako. 

Kaya iyon yung mag couple nod na lang ng nod. 

"Nandito na tayo" sabi ni Bhest. Dali dali akong lumabas sa sasakyan. To be honest, naaasar ako sa damit ko ngayon feeling ko kasi super conservative ko. Naka long sleeve  ako na makapal at pants. And naka wig.. Alam nyo naman manipis na yung hair ko. 

Nung nakababa na yung dalawa sinenyasan ko na sila na samahan ako.

Papasok pa lang kami sa Building ng Forteza ng may nakita na akong eksena sa loob nito. May babaeng nakaluhod at hinihigit yung paa nung lalaki. Wait, si Trescah ba iyon? Tinignan ko yung hair niya at body proportion. OMG! 

Bigla akong pumasok at nilapitan siya. 

"Trescah!" napatigil siya sa paghihigit ng pants ni Daryll at tumayo sa sobrang gulat.

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon