Chapter XXV

520 8 4
                                    

Chapter 25

Nathan's POV

Hello mga darling! 

Kilala nyo ba ako? Well, sino bang HINDI?! Eh ako lang naman ang mighty BESTFRIEND ng Aya Bianca nyo. Chos! Mga darling may ikwe-kwento pala ako sa inyo. I can't hide this anymore!!!! Sa totoo lang, forever na BEKI ako! Hindi totoo na BOY na ako! Neknek nyo!

 Ang lalaki kapag naging bakla hindi na ulit magiging lalaki. Kuha mo? Gets mo?

Kaya,

HINDI AKO LALAKI! ITAGA NYO YAN SA BATO! Naintindihan mo?! Care ko ba kung hindi! Basta 'yon! Inokray ko lang si Bhest na BOY na ako! Akala nyo ba gusto ko 'tong ginagawa ko 'to? NEVER!!!!!! Nakataya ang pagkababae ko dito kaya nagpapanggap akong BOY. Chos! 

The way na nagpapanggap akong lalaki, MASAKIT!

(Clodet lang 'te? PBB TEENS?!)

HIndi, seryoso na talaga. Eh kasi naman po, hayop itong si Karl este KARLA! (see Chapter 18) dinare-dare ako. Ako naman tong si GAGA, umoo! Ang dare niya kasi sa akin kailangan kong magpanggap na secret admirer, syempre dahil Bhest ako ni Aya sa akin pupunta iyon. Kaya ang naisipan namin, lokohin siya at palabasin na si Rhaisa ang type ko.

Yuck! Nakakadiri talaga! Alam mo yung feeling na kailangan kong mag isip ng mga cheesy lines sa babaeng iyon?! Nakaka PWEH talaga.. Ewwww. Hindi ko siya type at ang nakakaasar po, sa tuwing  kinakausap ko siya aba! Kumikiri ang loka! Akala nya siguro BOY ako. Yuckness..

So yun! Kapag nagawa kong paniwalain yang Rhaisa na yan na maliit naman ang boobs! Mapapanaluhan ko lang naman yung BOYFRIEND ni Karla! Let's say ibibigay na niya sa akin! Waaah! Nikikilig ako! Ang pogi kaya nung boyfriend nya, kamukhang kamukha ni Xian Lim! Over! 

Pero binabawi ko na pala, masaya ako sa DARE DARE namin ni Karla, kasi kapag nagawa ko nga 'to.. May Xian na ako. At siya naman? Well, kailangan ko siyang ilibre ng 100 case ng San Miguel. Grabe itong baklang ito! Daig pa yung TAMBAY sa kanto!

Well, I DONT CARE! BASTA BABAE AKO!

Kaya kayo, SHHHH lang kayo ha? Secret lang 'to. Hihihihii. Eklabush! 

Aya Bianca's POV

Pagkadilat ko ng mata ko, bakit ang pogi ng nasa harapan ko? Ang tangos ng ilong! Ang kissable ng lips. Tapos yung pilik-mata ang haba, sheetttt! Teka! 

Napabangon ako sa pagkakahiga ko at tinignan ang lalaking nasa kama ko! Tingin sa baba. Nakadamit pa naman ako, pati siya. Waaaaaaaaaah! Ano ba itong iniisip ko?! Walanju! Erase, erase, erase! Ang dapat kong alamin, bakit nandito itong nilalang na ito?! 

Mukhang ang lalim ng tulog nitong mokong na 'to ah... May naisip ako! Bakit hindi ko pagtripan habang tulog na tulog itong Sean na ito! BWAHAHAHA! 

Kinuha ko yung Pentel Pen doon sa may table ko at dahan dahan kung nilapitan si Sean. Ang peaceful naman ng tulog nito. Sige lang, gagawin ko namang Angry Birds ang mukha mo. BWAHAHAHAHA! Gustong-gusto kong tumawa! Pero magigising si Sean! HAHAHAH

Nilapit ko na ang marker sa mukha niya. Aish! Kailangan ko pang umupo, at mas lumapit sa mukha niya, ang hirap kasing mag drawing eh. Shet naman oh! Hindi ko maayos yung line, kaya kailangan ko pang mag lean pa sa kanya pati kailangan ko pang ituon yung kamay ko doon sa bed.

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon