Chapter XVII - Date?

620 15 2
                                    

Chapter 17

 

Aya Bianca's POV

Hiyang-hiya ako doon sa mga nadaanan ko at nabugahan ko ng masamang amoy. Kaya pagkalabas na pagkalabas ko pinuntahan ko ang mga empleyadong iyon at humingi ng dispensa. Nag bow pa ako sa kanila.. Hihihihi kakakahiya.

*The next day

Maaga akong pumasok at tumambay ako sa Lobby. Aabangan ko yung secret admirer na iyon na nagbibigay sa akin ng gift. Napaaga nga siguro ang pasok ko. 7:00 a.m. Nagdadatingan palang ang mga tao dito eh. Tapos nakalimutan ko pang kumain.

Nasaan na ba si Rhaisa? At ako'y magpapabili na lang sa kanya..

Boring din kasi.

Nagbasa na lang ako ng magazine. Nakaka 5 na siguro akong Cosmopolitan at marami na rin ang dumadating. Pero wala pa din akong napapansin na delivery.

*hikab.

Nakakantok.. Makaidlip nga muna. Sinuot ko yung sun glasses ko. Hehhe para hindi halatang naka pikit ako.. Nagising ako ng maramdaman kong nag vivibrate ang phone ko. Pagtingin ko dito. Nag aalarm ito. Hindi ko naman inalarm ito ah? Hayss ewan 9:00 a.m na pala. Ang tagal din pala ng idlip ko.

Ayy, hindi nang tulog ko. Babalik na nga lang ako sa office na nasa 5th floor. At mag t-tally pa pala ako sa Excel...

Fast Forward >

Naramdaman kong kumukulo na ang aking tiyan at isang oras na din akong nakaupo dito sa computer. Napasarap kasi ako sa pagbabasa ng story ni xiArA sa Candymag eh. Hindi ko na tuloy na atupag yung Excel na iyan.

At hanggang ngayon ay wala pa din si Rhaisa!

Miniscall ko ito, alam na naman niya kapag nagparamdam ako sa kanya.

Nang nakaramdam na naman ako ng sakit ng tiyan. Hindi pa naman ako kumakain pero namimilipit na naman ako. Kaya habang wala pang tumatawag na mamemeste sa akin dumerecho na ulit ako sa C.R. Pero pagkaupo ko doon. Namimilipit lang ako sa sakit pero walang lumalabas! Oo nga pala hindi pa pala ako kumakain. Wala pa din si Rhaisa..

Kaysa antayin ko ito napag desisyon ko na lang na mag shopping. Matagal tagal na din akong hindi nag sho-shopping eh. Nag Jollibee na lang ako at umorder ng Breakfast Meal.

Habang kumakain ako...

May napansin ako na mukhang familiar na nasa counter na umoorder.. Tinitigan ko lang ito at pagkatalikod nito hindi nga ako nagkakamali...

Si Daryll Forteza na nag J-Jollibee! Kinawayan ko ito!

Ngumiti ang gago at umupo sa harapan ko. Makangiti ito wagas, parang walang kasalanan sa akin, naalala ko na naman yung sa Boracay. Pero tapos na iyon, nagbayad siya ng 1 million doon sa dalawang mag syotang iyon =___= At ako wala akong natanggap!

"Musta?" tanong niya sa akin habang sarap na sarap ito sa pagkain ng Longsilog niya.

"Ah eto napadalaw sa Jollibee ng wala sa oras..."

"Weh? baka favorite mo lang talaga dito.." umagang umaga ng aasar! Buhusan ko kaya ito ng hot chocolate ko? "-panigurado favorite mo yung theme song na 'sa Jollibee na tayo kung saan bida ang bata!' " at kumanta ang gago, hindi na nahiya.. nakaka turn off!

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon