Chapter X - Sorry

698 16 2
                                    

Chapter 10

Aya Bianca's POV

Anak ng pating! 

Siya ba yung lalaki na naka lips to lips ko kagabi sa beerhouse? Nanlalabo na ang paningin ko kagabi di ko na matandaan ang mukha nung lalaking iyon. Pero kung siya nga ba iyon? Oh my.

Natatandaan ko pa naman kung anong mga ginawa ko kagabi eh, hindi naman kasi ganoon kalakas ang tama ko kahit ang dami kong nainom, malakas ako sa inuman. Bakla ba naman ang Bhest ko at may-ari pa ng Bar. Wala lang talaga ako sa sarili kagabi, kaya I went WILD. Pero kung siya yung lalaki kagabi na nakatayo ngayon sa pintuan ng Conference Room.

Nakakahiya!

Masisira reputasyon ko and also my FAMILY!

Tinakip ko sa mukha ko yung kumot este kurtina. Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin dahil narinig ko yung yabag ng paa niya.

"Ganoon ka pala..." ohhh, sinasabi na nga ba eh. Napakagat na lang ako sa labi. Ayoko ng magpakita sa kanya. Anong mukha na lang ihaharap ko sa kanya? Tatanggalin ko na sana yung nakatabing sa mukha ko ng maisip ko ang itsura ko. Siya ba? Siya nga ba ang may kakagawan nito? Nakita niya ang katawan ko!! Isinantabi ko muna ang pagkahiya ko sa nangyari dahil mas importante sa akin ang dignidad kaya di ko napigilang sigawan siya

"MANIAC KA!!" pinakita ko ng kaunti ang mukha ko dahil kailangan kong sumigaw ng full force. Siguro tumalsik din laway ko, hehe wag naman sana.

"Nagkakamali ka.." sagot niya

"Eh ano?"

"Yung assistant ko yung nag tanggal ng damit mo, kala ko nga binihisan ka eh..."

"Ha? Pero, ikaw ba yung nasa club?" panigurado namumula na mukha ko. Bakit ko ba kasi pinaalala yon? Nakakahiya!

"Uhmmm, siguro ako nga iyon. Teka naalala mo pa ba?" What?

'Siguro ako nga iyon"? Anak ng! Kilala naman niya ako ah at alam niyang may tama na ako pero pinagsamantalahan pa din niya ako. Bumangon agad ako at pinag hahampas siya! Nanlaki ang mata niya at sabay pikit. Nakaunderwear nga lang kasi ako. Kaya iyon ang pagkakataon ko para hampas hampasin siya ng walang tigil. Walang hiya niya, kilala naman pala niya ako, pero nilandi pa niya ako. Ewwww!

"Tumigil ka nga Ms. Lim!!!" sigaw niya pero wala akong paki, patuloy pa din ako sa paghampas ng biglang may dumating na matandang malaki ang tiyan na naka formal attire at may hawak na mga folders sa pintuan. Nanlaki ang mata niya nung tumingin sa gawi ko.

Pwede bang kainin na ako ng lupa sa sobrang kahihiyan?!

Paano kasi nakaluhod ako sa TABLE habang si Daryll Forteza ay pinag hahahampas ko. Sa itsura ko ngayon, talagang mapapaisip ka ng masama. 

Well ang itsura ko lang naman po ay naka bra't panty lang. Wala akong damit pang itaas at pang ibaba dahil puro suka daw yung damit ko kaya hinubad ng Assistant ni Daryll. At ang malala pa sa itsura kong ito pinaghahahampas ko si Daryll sa mukha , sa balikat sa tyan basta sa parteng taas lang naman ng katawan niya!

Oo, si Daryll Forteza, ang chinitong singkit na gentleman.. Ay isa palang maniac! I admired him pa naman tapos ganito!

"Kayong dalawa! Ang kapal ng mukha niyong dito gumawa! Pumunta kayo sa HOTEL huwag dito!" bigla namang binalot ni Daryll yung kumot este kurtina sa katawan ko at binuhat ako na parang SAKO!

"-mga walang hiya! Ikaw Mr.Forteza, di ka na nahiya! Ipapasalary detuction kita anak ka pa naman ng may-ari ng East West Bank!!" 

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko. Hay, ano ba ang nagawa ko ang ganito ang nangyayari sa akin? Please, lupa kainin mo na ako. 

"Papaliguan kita..." anak ng potcha. Kahit nakabaliktad ako ngayon  pinaghahampas ko pa din yung likuran nya. Akala niya. Pag talagang binaba lang niya ako bubugbugin ko yang chinito niyang mukha.

"AHHHHHHH!!" sigaw ko sa sobrang inis

Sean Luigi's POV

Ang tagal ko na palang nagmumukhang tanga! Kahit Mommy ko ginawa akong tanga! Hayysss nakakabanas! Pati itong si Mai, alam na pala niya hindi pa sa akin sinabi, ganito na ba talaga ang mga girlfriend ngayon?

Nung nag walk out si Aya naiwan ako sa office niya. Ngayon ko lang naisip, wala akong laban. Nakakontrata siya, at ginusto ni Mommy iyon. Pero pwede naman ako di ba? Pinagkait lang nila sa akin eh! 

Nagmamadali akong umuwi sa bahay, kahit alam kong nasa tabi ko lang si Mai, dinedma ko siya. Naiinis ako sa kanya dahil sa pagsisikreto niya! Parang wala kaming pinagsamahan ng ilang taon ah. Anong klaseng girlfriend ito?

Pagkadating ko sa bahay. Pinuntahan ko agad si Mommy na nakatambay sa gilid ng pool. Nagkakasaya pa silang dalawa ni Lark, pinipicturan pa niya si Lark sa may pool at ito namang kapatid ko panay ang ngiti. Puro kayo kasiyahan habang ako punong puno ng galit at nagmumukhang tanga.

"Mommy!!" sigaw ko lumingon siya sa akin at ngumiti. Palapit na ako sa kanila ng siya na mismo ang  lumapit sa akin at  pinaghahalikan ako sa pisngi. Naiinis ako. Pinagmukha mo akong tanga

"Mommy, wag mo nga akong halikan! Nakakaasar ka naman eh! SINUNGALING KA! SANA DI NA LANG KITA NAGING INA! KUNG GAGANTUHIN MO LANG DIN AKO!" sigaw ko pero bigla na lang din ako nakaramdam ng malakas na sampal.

"ANO? ITO LANG BA ANG IBIBIGAY MO SA AKIN? BAKA GUSTO MO PANG DAGDAGAN. NAKAKAASAR KA NAMAN KASI EH PINAGMUKHA MO AKONG TANGA!" dagdag ko. Kitang kita ko sa mata ng Mommy ko na galit na galit siya sa inaasal ko.

"ANONG SINASABI MO?! NAKAKALIMUTAN MO NA ATANG ANAK KITA! HINDI KITA PINALAKI NG GANYAN! " sigaw  ng Mommy ko, sabay sumabat si Lark nandito na pala ito sa tabi namin. Ilalaglag talaga kita sa swimming pool eh.

"Kuya! Ano ba ang nangyayari sa'yo?" isa ka pa Lark, baka may nalalaman ka, pag nalaman ko lang humanda ka sa akin

"ANONG NANGYAYARI SA AKIN? PWES. NALAMAN KO LANG NAMAN NA SI Aya Bianca ANG NAMAMAHALA SA KOMPANYA NATIN! PUMUNTA AKO DOON"

"Eh anong problema mo doon kuya? Ayaw mo noon hindi na malulugi ang kompanya muli. Pati kuya sila Ate Bianca ang nagligtas sa business natin simula ng mamatay si Kuya. Kumbaga para silang SUPERMAN. Kaya hanggang ngayon mayaman pa din tayo..."

Anong sinabi niya? Niligtas? Kung di dahil sa kanila wala na ang business namin. Tell me, hindi naman ako namali ng pandinig oh. Pakisampal ako. Pakisabing paniginip lang ang lahat. Pakisabing di ko ginawa iyon. Please. 

Napaupo ako sa sahig...

"Aya..."tangi kong nabanggit

Ang sama ko. Ang sama sama ko. Kami na ang ginawan ng mabuti ako pa itong nagagalit. 

"Kaya baby ko, wag kang magalit sa akin. Ayaw ko lang ibigay sa'yo kasi di ka pa tapos baka sabihin ng iba . Ang nag hahandle sa business natin ay not well experience at di graduate. Pero promise ko sa'yo pag naka graduate ka. Ibibigay ko na sa'yo iyon."

Tumingin ako kay Mommy, I'm very very sorry. Siguro mukha na akong bakla ngayon dahil naiiyak ako pagkatapos kong sabihan ang Mommy ko ng ganoon. Niyakap ko na lang siya.

"Mommy, sorry sa mga sinabi ko sa'yo...Sorry. Please sampalin mo ulit ako. Ang sama kong anak. "

"It's okay baby, I understand. Pero mapapatawad lang kita kung mag sosorry ka din kay Aya..."

Sorry? Pero paano niya nalaman na may ginawa akong masama kay Aya?

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon