Chapter VII - 5th Floor part 1

807 15 1
                                    

Chapter 7

Aya Bianca's POV

Nagtext sa akin si Rhaisa  na umalis na nga daw si Sean Lugi. 

YEEEESSSSSSSSSSSSSSSSS! ♥

Ligtas na akong makakapunta doon

Kung iniisip niyo bakit ko p kailangan bumalik doon? Kaysa makipag date kay Daryll Eh dahil kapg umabsent ako lagot ako kay DADDY! De, pati sabi niya may gagawin pa siya. Pati unang meeting pa lang naman iyon eh. I know there will be more. Hay ang landi!

Heto na ako pumasok na ako sa building. 

Kalbaryo na naman..

May 68 floors itong Lopez North Tower. 

At ang office ko ay sa 5th floor lang naman. Tama! 5th FLOOR ang baba lang di ba? Noon nasa 34th floor dapat ako pero nag makaawa ako na ilipat ako sa mababang floor . May phobia kasi ako sa Heights. Buti pumayag si Tita Amy!  Hagdan lang ang gamit ko kaya pinababaan ko yung FLOOR ! Tama! Hagdan lang ang gamit ko at hindi ELEVATOR. Takot kasi ako doon feeling ko naiiwan ang kaluluwa ko.

Maling-mali talaga ang araw na ito. Bakit ba kasi ako nag heels? Hindi naman kasumpa sumpa ang height ko. Okay na din 5'4 pero iba kasi kapag nakaheels, malakas ang appeal.

Pero pagod na ako eh kahit 5th floor lang iyon kung iisiping ng iba.

Gutom pa ng bahagya, di kasi ako nabusog doon sa pizza. I should order by myself. 

Hayyss utusan ko na lang si Rhaisa..

Pagkadating ko sa office, binulaga agad ako ni Rhaisa ng

"Ma'am, nasa table nyo na yung mga papers.. " Huh? What?

Dali dali akong pumunta doon.

Crap!

Pasakit na naman, bakit may dumating na naman na offer, technical problems nung ibang branch pati ba naman iyon problema ko pa ? Tapos ang nakakainis may bills pa. At may gagawin pa pala ako mag t-tally pa pala ako ng insights, Shet! Ito pa gutom na naman ako. Parang ilang minuto pa lang ang nakakalipas eh.

 "Rhaisa, pwede mo ba akong ibili sa Chowking ng isang order ng lauriat?"

Hindi ko na siya inantay sumagot at inabot ko na sa kanya ang pera. Hindi ko na din sya naalok. Ang sama ko talaga.

This is a BIG DAY

Aabutin ako ng gabi dito for sure. I guess overtime.

TIme Check : 4 p.m  

Sean Luigi's POV

 Pumunta ako ng napaka-aga doon sa Building pero pag dating ko. Aba di pala ako Welcome :( 

Nakaka sama naman ng loob.

Paano ba naman. Ang ganda ganda ng damit ko. Naka coat and tie pa ako. Tapos umakyat ako sa office nung Head. Kasi doon nga iyong upuan ni Mommy. Pero ang nadatnan ko ay isang Assistant na ayaw akong papasukin sa loob at wala nang ginawa kung hindi mag papansin sa akin habang pinapaalis ako. 

'Miss ,I'm taken sorry . '

Gusto ko sanag sabihin sa kanya kaso baka mag hallucinate at hindi na ako papasukin talaga. Pero  malakas siya ha, I used my killer smile at yung kindat ko. Pero di talaga tumalab. Ano pa ba ang kulang? Ha?

Ano ba meron doon sa loob nung room na iyon at ayaw akong papasukin? Daga? Ahas? Buwaya? Ano? Wala naman sigurong bomba doon. Tapos wala din naman akong nakakahawang sakit na kapag pumasok ako doon ay kakalat yung sakit ko sa loob ng kwartong iyon. Hayss, life is totally unfair!

Kapag tinatanong ko naman yung ibang tao sa kabilang office. Iiling at magkikibit balikat. Ano ba people? Anong problema nyo sa akin? Kakadating ko lang wala pa akong ginagawa. Ang cocold niyo na! Gusto ko silang sigawan pero baka ako ay mapalabas ng disoras.

Umalis na lang ako dahil hindi nga ako welcome doon. Naisip kong makipag date pang patanggal ng disappointment sa mga employee ng building na iyon. Umaasa ako na dismissal na si Mai. Ano bang klaseng boyfriend ako? Hindi ko man lang alam ang daily sched ng gf ko. Kung sa iba alam na alam nila iyon pero ako hindi eh. Mukhang manghuhula pa.

Tapos ngayon dinadial ko siya. After ng ilang rings.

"Hello babe?"  -Mai

"Pwede ka?" tanong ko

"Yup, dismissal na namin." halos tumalon ako sa tuwa

"Sunduin na kita." mabilis kong sabi

Hindi naman gaano kalayo ang Ateneo dito eh siguro 15 minutes lang. Wag lang magtr-traffic.

FAST FORWARD > > >

I went to the place where we always stay. Syempre sa may field di naman napaka init dito. Lumapit ako sa kanya habang siya ay nag s-sound trip sa iPod niya. Inabot ko na sa kanya yung kamay ko. Yung scena na niyayaya nung guy yung girl na sumayaw.

Pagkaabot niya sa kamay ko hinigit ko siya palapit sa akin sabay halik sa labi niya. Nabitawan pa niya yung iPod niya sa gulat.

Nag hiyawan pa yung mga dumadaan.

Ayieeeh~

"Tara na, nakaka hiya dito.."

"Gutom ka ba? Kain tayo?" tanong ko, nag nod na lang siya..

Pumunta kami sa Shakeys syempre umorder ng Pizza at pagkatapos ay umupo..

Grabe, TONGUE TIED ako, di ko alam sasabihin ko.

Bakit nangyari sa akin ito? Lost of words.

Awkward Silence.

Naubos yung pagkain namin at walang nag salita sa amin. Biglang nagRING yung phone ko. May Emergency sa Building? May nagtext sa akin yung MOBILE ito nung North Tower namin hala ano ba naman ito? Parang kanina lang nandoon ako? Pagkatapos niyo akong icold treatment tapos ngayon sesendan niyo ko ng emergency.

"Mai, my emergency. I need to go" sabi ko ng natataranta

"Saan ka pupunta?"

"Sa Building. I received a ring"

"Sama ako..." ako naman pumayag na lang at paglabas namin gabi na pala. Mga 6 p.m na din when I checked the clock. Mag bibiyahe pa kami. Shet! Traffic! Inopen ko na lang yung radio sa Love Radio, eksaktong eksato nag bibigay advice yung DJ. May nag tanong kasi na listener na 'ANO PO DAPAT GAWIN KAPAG NANLALAMIG KA SA MINAMAHAL MO?"

Pssshhh.. Boring.. Ililipat ko na sana pero pinigilan ni Mai ang kamay ko. Tumingin siya sa akin ng masama. Oo masama! Bakit kaya? Hayss.. Di pa rin umuusad itong sasakyan ko.

Nanlalamig na ako sa AIRCON! At nagwoworry na din kung anong meron doon. Nandoon kaya si Mommy? 

At iyon umusad din iyong sasakyan!

Fast Forward >

Pag punta namin sa BUILDING nag lalabasan na yung mga employee, may EMERGENCY? 

"Mai, uwian na pala sila ." sabi ko siya naman nag nod na lang. *sigh* I do not sense any emergency. Pero I need to check pa din.

"Punta muna pala ako sa 5th floor." paalam ko tapos tumingin siya sa akin at nag derecho na sa paglalakad. Bakit ang tahimik niya?

Pupunta na talaga ako sa 5th floor at titignan ko na talaga kung anong meron doon sa kwartong iyon. Pakiramdam ko may pwersang tumutulak sa akin papunta doon.

Pumasok na ako sa elevator at pinindot yung 5, ngayon ko lang napansin na si Mai ay hindi pumasok sa elevator! Sa pag sara ng pintuan  nakita ko siya na nag grin sa akin 

Bakit Mai ? Bakit di mo ako sasamahan?

May nalalaman kaba?

Bakit ang tahimik mo?

May meron ba sa 5th flloor? Nakakatakot naman.

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon