Chapter XXXV

429 4 0
                                    

Chapter 35

Aya Bianca's POV

Isang linggo na si Sean na pabalik pabalik dito sa Hospital para puntahan ako. Pero sa tuwing pumupunta siya dito parang may something na hindi siya masabisabi sa akin. Kapag tinatanong ko naman siya kung may problema. Ngingitian lang niya ako at sasabihin wala o kaya naman sasabihin niya na may problema siya kasi ang lakas ng tama niya sa akin. Pssh, babanat lang pala. Pati si Mommy kapag dadalawin ako parang may gusto din na di masabisabi.

Kapag talagang nakachempo ako dyan sa Doctor aalamin ko nga ang tunay na kalagayan ko. Tanggap ko na naman eh, iintindihin ko din naman kung meron pang iba. Ayaw ko lang talaga na nililihim nila sa akin iyon. Karapatan kong malaman yun eh, pero kung wala silang balak sabihin. Ako na lang mismo ang aalam. Nacucurious talaga ako at syempre nag-aalangan.

Si Sean kasi pupunta dito ng 7 a.m tapos kapag 8 o'clock na aalis na siya may pasok pa kasi siya sa trabaho at mamayang 6 p.m naman ang labas niya at dito na ang derecho niya. Pero ewan ko ba sa lalaking iyon sa tuwing pupunta iyon dito laging may dala na kung ano ano.

Parang nililigawan ako araw araw? Hihihihi, kinikilig ako. Pero sa tuwing naaalala ko kung bakit nandito ako sa Hosital pakiramdam ko hindi na ako pwedeng kiligin.

Kinuha ko na lang yung laptop ko sa table at pinatong ito sa Lap ko. Wala akong magawa nakakatamad naman manuod tapos na kasi yung pinapanuod ko sa Channel 2 na To The Beautiful You. Aabangan ko na naman bukas iyon. Kaya iyon nag open na lang ako sa laptop ng account ko sa Wattpad at nagbasa ng story.

Nakakaasar naman yung author ang tagal mag update. Naloloka na ako sa lovelife niya eh. Urgh!

"Chopsticks" nakasilip si Sean sa pintuan at nakangiting aso sa akin.

"Oh, pumasok ka. Bakit ganyan ka? May kalaro ka ba?"

"Na-uh" iniling niya ang ulo niya tapos pumasok siya. Teka, may tinatago siya sa likuran niya ah..

"Uy, ano yan nasa likuran mo?" nung nakalapit na siya sa akin hinarap nya sa akin yung hawak nya. Napa AH na lang ako nung tumambad sa akin yung box ng KoKo Krunch.

"Aww, gusto ko nyan" sabay pout ko, marami na kasi akong bawal kainin puro healthy foods na lang ang kinakain ko. Naaasar na nga ako eh, karaniwan kasi na kinakain ko puro gulay. Pakiramdam ko kambing o kabayo na ako sa tuwing kakain ako noon. Gusto ko naman ng iba! Like steak, bacon o kaya naman Balot, kwek-kwek, fishball.. Mga ganoon..

Pero sa Sean iniwas lang sa akin yung Box at binuksan iyon. Maya maya kumakain na siya ng KoKo Krunch habang ako nakatingin lang sa kanya.

"Inaasar mo ba ako?!"eh kasi naman natatakam na ako paborito ko yun eh. Pero dinilaan lang niya ako sabay nguya nung KoKo Krunch. Hmmp! Hinarap ko na lang ulit yung laptop ko at nakita kong may update na pala. Kaya dali dali kong binasa yung new Chapter.

"Hoy, sino yang kachat mo? Excited na excited ka ah"

"Wala ha, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Wag mo akong igaya sa'yo"

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon