Chapter VIII - 5th floor part II

716 17 8
                                    

Chapter 8

Sean Luigi's POV

 What's up with Mai?

Bakit hindi niya ako sinamahan dito? Baka naman natatakot lang siya. Pero mas nakakatakot doon sa baba siya na lang ang tao pati umalis na din yung iba. Parang gusto ko na tuloy bumalik doon ayokong iwan ng mag-isa si babe doon.

Hayss, pero tinutulak ako ng paa ko papunta doon eh. Titignan ko na lang naman yung nandoon sa Office at babalik na din. Ayaw kong paghintayin si Mai baka ano pang mangyari doon.

Ting*

Nandito na ako sa 5th floor. Wala ng tao pero doon sa pinaka dulo na glass room. May liwanag akong naaninag. Parang may tao na naka lean doon sa table? Baka doon nag mula yung Emergency message. Pero bakit ganoon? Mukhang wala naman siyang kailangan eh. And I wonder sino iyon? Wag sana.. mumu.

Makalapit na nga lang.. Pero, baka, hayss dapat sinama ko si Mai dito eh. Bakit natatakot ako? Sa bawat pag hakbang ng mga paa ko..

Bakit parang kinakabahan ako kung sino ang nandoon.. Di kaya si The Grudge? Si Sadako ang nadoon?

Ang alam ko kasi si Mommy lang ang umuupo doon and the last time I checked her nasa bahay pa din siya.  Pero baka bumalik siya dito dahil may aasikasuhin. Tutal, di pa din naman ako umuuwi ng bahay kaya di ko alam.

Pero bakit kinakabahan ako? Kung si Mommy lang iyan.

Nandito na ako sa harap ng pintuan nung glass room at may nakatalikod na babae sa harapan ng laptop.

Nakapatong ang baba niya sa table at nakahawak ang kamay niya sa kanyang ulo. Problemada.

Oo, babae siya at mahaba ang buhok. Teka, hindi siya si Mommy! Maikli ang buhok ng Mommy ko! Pati hindi siya yung Assistant na nagpapacute sa akin. Sino siya? 

Pumasok ako ng pintuan. May pwersang tumutulak sa akin eh. Kinakain ako ng curioisity at ng kaba. 

At bigla siyang humarap sa akin.

GULAT.

Yan ang nakita ko sa mukha niya at sa sarili ko. Ang daming tanong na namuo sa ulo ko kaagad. Paano? Bakit? Siya pa... Bakit hindi ako?! Di ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog. 

Aya Bianca's POV

Nakaka STRESS na ito, hirap na hirap na ako sa pag t-tally. Hindi ko naman pwedeng iwanan ito basta basta. Bukas na daw ang pasahan nito kahit kailan talaga pahirap si Mommy! Oo si Mommy naman ang umeepal sa buhay ko eh. Siya kasi ang nagpapagawa sa akin nito. Hmmp!

Tapos isa pa nakakatakot na dito. Nag uwian na kasi yung iba at ako na lang ang naiwan. Buti pumayag si Rhaisa na bumalik at dalhan ako ng dinner dito gutom na talaga ako. Pero di pa din ako pwedeng umalis, di pa din kasi ako tapos.  Nakakainis nga pinasabi kong wag ng patayin yung ilaw, eh pinatay pa din.

Hayss, sayang daw sa kuryente.

Tanging Laptop ko lang ang may iLAW! at ako'y inaantok na din. I need HELP!

Kukunin ko sana yung phone ko sa ilalim ng lamesa ko ng nawala ako sa sarili ko at may na click akong button na hawak hawak ko. Ayy, ibang cellphone pala. Hayss hayaan na nga.

Iidlip muna ako sandali.

Pagkadilat ko sa mata ko, nagulat ako sa nasulyapan ko. Paano maliwanag at puro numbers! Syempre ano pa ba eh di LAPTOP. Hayss kaasar na buhok ito, dagdag stress pa sa akin, paharang harang sa mukha ko. Magpakalbo na nga lang ako?. Nakalimutan ko pala magdala ng pang ipit. Tsk. Tatapusin ko na talaga ito. Teka, bakit ang tagal naman ni Rhaisa?

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon