My Outlaw Chick

11.9K 342 22
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

I r i s

3rd of September, 2022 at 0114H

Nasa loob na kami ng kanyang private jet. Hilo pa rin ako, at mas lalo akong mahihilo dahil nalulula ako sa kalakihan ng eroplanong 'to. "Is this a Gulfstream G-550?" Nakangiti lang siya. She then looked at me proudly. Yes, sweetheart, I know things. Things that you like. "I thought only a British businessman and an Indian billionaire has-" Hindi ko na lang tinapos ang linya ko. Oo nga pala, bilyonarya siya. Hindi na ako magtatakang meron siya nito.

"You're drunk. Want some cognac?" Tanong niya niya, habang kumukuha ng botelya ng Ketel One. "Tsaka may sasabihin ka, eh." Hinila niya ako papunta sa lamesa kung saan merong dalawang babasaging baso at makakain. "Gusto mo pala'ng uminom, eh, di sana nagsabi ka para hindi ka na lumabas."

Shit. Oo nga pala. Sasabihin ko ba, o ililihim ko muna ang aking nararamdaman? Napabuntong hininga ako, tila umaatras ang aking dila. "Who's flying the plane?"

"My pilot for the month."

"For the month?"

"I don't trust people. Nagpapalit ako ng mga tauhan at iba pang utusan buwan-buwan." Hindi talaga siya basta-basta nagtitiwala. Pero bakit? Bakit ako? Ano'ng meron sa akin at trinatrato niya akong parang importanteng tao sa buhay niya? I don't really see the point here. Nawala na nga rin sa isip kong isa lang itong misyon at matatapos rin ang lahat.

"Then, why? Victoria, you just met me."

"So? I don't understand your concern, Astrid."

"Why protect me?"

"Have you forgotten about Paris? Sober now, are we?"

"I remember everything. Even the feeling, yes."

"Alam mo, hindi ako takot mamatay, pero may mga bagay kasi akong iniingatan. May mga tao akong gustong protektahan, kaya naman hindi ako nagtitiwala agad-agad." Ito ba? Ito ba ang sinasabi nilang pinakamasamang babaeng nabubuhay sa bansa? Hindi ganito ang sinabi ng Tri-Force sa akin. Hindi ko rin akalain na mahuhulog ako sa taong aking kinamumuhian. Hay, kahit kailan talaga, hindi mo pwedeng piliin kung kanino ka mahuhulog. Pilitin man, hindi mo kayang diktahan ang ang  puso. Matutunan mo mang mahalin ang isang tao, ngunit hindi nito kayang tumbasan ang pagmamahal na meron ka sa taong  bumihag sa iyong puso.

Dahil siguro sa kalasingan, bigla ko siyang tinanong ng, "Eh, bakit ako? Kakakilala mo lang din naman sa'kin ah. Ano'ng pinagkaiba ko sa ibang tauhan mo?" O, sagot na! Ba't mo ako tinitignan ng ganyan? Sumagot ka na!

"Can we not talk about this right now and just enjoy the night?" Nakakainis, ayaw niyang sagutin yung tanong ko. Ayoko naman siyang kulitin dahil mainitin ang ulo ng babaeng 'to. "Where do you want to go?" Sa tuwing nagtatanong ako ng tungkol sa nakaraan niya, o kung bakit niya ako kinupkop, lagi niyang pinapalitan ang usapan. "Do you want to go to Hawaii? May bahay ang kaibigan ko dun at ang kanyang girlfriend. It would be fun."

"I don't know, you tell me. You're my boss, remember?"

"I think we should head on to Maui. Red and Erin want to see you."

"You told them about me?"

Ayaw na namang sumagot. Sabi ko na nga ba, eh. "Astrid..." She trailed off. Gaya ko, may gusto rin siyang sabihin pero hindi niya maituluy-tuloy.

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon