A Woman's Dangerous Mix

12.6K 378 11
                                    

CHAPTER TEN

I r i s

11th of August, 2022 at 2024H

"Aphrodite has arrived. I repeat; Aphrodite has arrived," The agent is referring to is Victoria. They used the word Aphrodite as her alias, still in line with us. They're giving her too much credit. "Beware, she's coming." Teka, bakit siya tumatawa? Yung lalake sa radyo, bakit tumatawa? "Guys, she looks hot, as always."

"Hot?" Tanong ko kay Enzo. Tumango lang siya. "Doesn't she look like a monster?" To tell you the truth, I don't have any idea what she looks like. All I know is that she's this murderer bitch. 'Yun lang. 'Yun lang talaga. "Can you just tell me what she's wearing? I want to surprise myself. No pictures," Utos ko kay Enzo. Nilagyan nga niya ng heart emoji ang mukha ng VV na 'yon para 'di ko makita. "Sa dami ng emojis, 'yan talaga?" Nash scoffed, nodding. Nang malaman ko kung ano'ng suot niya, muli akong pinaalalahanan ni Enzo na mag-ingat. He's been telling me to stay focused and be careful for the last three hours.

Nasa sasakyan pa rin kami. 'Yung iba naman sa'min ay nakakalat sa paligid ng lugar. May mga nagpanggap bilang mga basurero, tambay, taxi driver at iba pa, para hindi kami mapansin ni Victoria. Matalino daw ito, kaya kailangan naming mag-ingat. Ito ang unang pagkakataong gagawin ko ang ganitong klaseng misyon na may kasamang back-up. I act alone because I don't want people to die with me. "Are you sure this will work, Luna? I'm scared for you."

"I don't know, but I'd like to keep my hopes up."

Hindi naman ako magugulatin, pero bigla akong kinabahan nang bumukas ang pinto ng van na aming sinasakyan. "Luna, are you ready?" Tanong ni Nash. Tumango lang ako. Ayokong ipakitang nagdadalawang isip na ako sa misyong ito, dahil sa nakikita ko, delikado nga ang misyon na aking dapat tapusin. "Hey, are you sure you want to do this? We can still cancel the-"

"No, I can't go back now."

"Luna..."

"I can do this."

Nash let out a long sigh. "Very well, then. I wish you all the best, Luna." May posibilidad kasing ito na ang huling pagkakataong mayayakap ko ang aking kaibigan. "Remember, when you're in there, you are alone. You act alone. We cannot save you. You are the only one who can save yourself. Keep that in mind, alright?"

"Kopya."

"Tandaan mo, hindi ka namin susundan o kahit mamanmanan. May tiwala ako sa'yo, alam kong kaya mo 'to."

"Salamat."

"Pero kung sakaling kailangan mo ng tulong, at may pagkakataon ka namang tumawag, tawagan mo agad ako." Tumango na lang ulit ako habang inaayos ang aking buhok. Nagulo kasi ng kaunti kanina dahil sumandal ako sa upuan ng sasakyan. "Pero 'wag na 'wag kang magpapahuli sa kanya dahil kayang-kaya kang patayin ni Victoria kahit na gaano ka pa kaganda."

"Tatandaan ko 'yan."

"Ano, handa na ba yung manok natin?" Gaya ng dati, energized na energized na naman si Genji. Inaalaska na nga niya ulit si Enzo. Sinaway ko lang siya kaya siya tumigil. Nananahimik na nga kasi yung tao, eh. "Ready ka na?"

"Oo naman, ako pa." Salamat kay Genji, bumalik na ako sa dati. Medyo. Hindi na rin ako masyadong kinakabahan. Nag-apir pa kami para mas masaya. "Yakang-yaka 'to. Sus!"

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon