No Trace

14.9K 408 16
                                    

CHAPTER THREE

I r i s

31st of July, 2022 at 1645H

Nasa cafeteria ako nang mapansin kong may tingin ng tingin sa akin sa gawing kanan; si Apophis, isa sa mga pioneer agents dito na may lihim na pagtingin sa akin. Mukhang hindi na nga niya matapos-tapos ang binabasa niya sa kakatingin sa'kin, eh. Malapitan nga. "Well, here goes nothing," I breathed before approaching him.

Si Enzo, tahimik lang at mahiyain. Iba nga lang siya sa mga misyon; he really does show the Egyptian god alias as the Serpent of the Nile - smart and deadly. This guy is a very good tactician and chess player.

Unti-unti niyang itinaas ang kanyang kaliwang kamay upang ako ay kawayan. What a cute boy, he is. Naglalakad na rin ako palapit sa kanya. I think he needs to close his mouth, baka kasi may pumasok, eh. He's always like that whenever I come near him. "W-what can I do for you, Luna?"

"I was just wondering..."

"Y-yes?"

"If-"

"I-If you would go out on a d-date with m-me?"

"No, Apophis," Sabi ko, nakangiti sa kanya. I don't want him to feel embarrassed or something. "May itatanong lang ako."

"Oh, yeah. Of course."

"I want you to tell me about something. Someone."

Alam kong nadismaya siya. Matagal na kasi akong pinopormahan nito, pero hindi ko talaga siya magawang magustuhan, eh. Hindi sa maarte ako, pero iba ang trip ko. I'm not into guys. I mean, not anymore. I'm with the other team now and they play better. Nobody knows about it but me, though. Well, not that I'm aware of. I work in the intelligence sector for Pete's sake. "What is it? Anything for you, Luna."

"Really?"

"Yep."

"Let's put that to test, shall we?"

"Sure," Dahil sa sinabi niyang 'yan, ibinaba ko na ang aking kape sa kanyang lamesa atsaka umupo sa harap niya. "Try me."

"Well then, can you, um, tell me about," Inilapit ko ang aking mukha para lalo niya akong hindi matanggihan. Baka bigla siyang madulas at masabi ang lahat. "...Victoria Valmont?" Oh, don't judge me. I really just need to do this. I'm this desperate to get more information about VV.

"Anything, Luna, except that."

"Oh, come on, Apophis!" Wala talaga akong mahanap sa mga computers at files dito, eh. Inilayo ni Enzo ang kanyang mukha at umiling. Tumingin siya sa iba at para siyang nanginginig. "Hey, what's happening?" Literally, he's shaking, but I don't think that's because of my charm, though. Hindi rin maikakaila ang takot at pangamba sa kanyang mga mata. Pinagpapawisan siya, tagaktak ang pawis niya. "Okay ka lang?" I asked him. "May nasabi ba ako? O, dahil ba ito sa Victoria na 'yun?"

"Luna..." Enzo trails off. He's still avoiding eye contact.

"Yes?"

"Anything but that."

"At bakit?" Tanong ko sa kanya, wearing my serious face. Iba kasi ang naging epekto ng pagtatanong ko about sa babaeng 'yan kay Enzo. I wonder what did she do to him? I have to know. Kailangan kong malaman kung bakit sila takot na takot sa taong ito. Ngayon ko nga lang narinig ang pangalan na 'yan, pero iba talaga ang dating nito sa'kin. "Ganun ba talaga siya kasama?" Karagdagan kong katanungan sa taong hindi komportable sa aming pinag-uusapan. I'll apologize later, but I have to interrogate him now.

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon