Mission: Heartbreak

12.1K 338 20
                                    

CHAPTER SIXTEEN

I r i s

2nd of September, 2022 at 1120H

It's been weeks and I am trying to play it safe. I don't want my cover blown. I need to be careful. As of now, I gathered some information about her. Actually, it's more like superficial summer camp facts about the Billionaire Mafia. Victoria Valmont is an orphan. She was left to the care of her grandfather but was separated from him when she became a teen. Gramps has some important things to do, I guess.

May isa pa akong nalaman, may dalawang dalaga pala siyang inaalagaan, at sila ay sina Ice at Yuri. Ang dalawang batang ito ay anak ng kanyang nakatatandang kapatid na pinatay ng isang makapangyarihang tao. Victoria wants to seek revenge, but she doesn't want to risk her daughters. It's kinda sweet. Na-touch niya ako. I mean, na-touch ako. Nakakatats.

Nakasama na rin ako sa mga lakad niya, pero hanggang sa kotse lang ako. Ayaw rin niya akong naiiwan sa bahay niya mag-isa. Baka raw kasi biglang pasabugin ni Paris ang bahay niya, matigok pa ako. For someone she just knew, she's really protective. Sandali, pwede na ba akong mag-assume? Mahal ba niya ako kaya siya ganito sa akin? Ang matindi, I think I'm falling for her! I'm falling for her when I know there can never be an us.

Sa araw-araw naming pagsasama, mas lalo akong napapalapit, at mas lalo akong napapamahal sa kanya. Lagot ako sa Trinity nito. At dahil nga sa kailangan ko ng makakausap, pumuslit ako para makipagkita sa isang kaibigan. Gusto akong samahan ni Tori, pero hindi ako pumayag. Ang sweet nga niya kanina, eh, hinatid pa ako sa labas. Kinikilig na naman ako, letse.

"Luna, I'm glad you could make it."

"I'm glad to see you, Morrigan."

"May problema ba?"

"I, um, kasi..."

"You love her." Inabutan ako ng bote ng beer ni ate Henley. Nandito kami sa bahay niya ngayon. Sinadya kong magpunta ng ganitong oras para hindi ako masyadong mapansin ng mga tao. At isa pa, alam kong gabi na talaga umuuwi si ate. Umiling ako. Hindi ko namalayan na paubos ko na pala ang isang bote habang iniisip ang nararamdaman ko kay Tori. "Don't lie to me, Luna, I know you are."

"I didn't mean to-"

"If you fall, you fall. There's no need to explain anything, really. You love her and that's okay."

"Hello, do you know who I am? And the job that I have? My oath?" Naubos ko na pala ang isang bote. Mapapainom yata ako ng marami nito ah. Bilin pa naman ni Tori na 'wag daw ako gagawa ng kagagahan, at susunduin niya ako kahit na ano'ng mangyari. "At isa pa, she loves someone else."

"Ah, nagseselos ka."

"There's this other girl that they kept on mentioning."

"Are there others aside from this other girl?"

"May isa pang babae, eh. Paris ang pangalan niya."

"Paris Sinclair." Pumalatak si ate, sabay tilt ng ulo. "Oh, you don't wanna mess with her."

"Kitang-kita ko nga ang tuktok ng ulo nun, eh. Ang payat-payat, itulak ko lang ng kaunti 'yun baka mahati ang katawan niya." Okay, that was a little childish of me. Maybe I am jealous. "Seriously, I hate her. I hate the way she treated Tori sa Black Party. Idispatsa ko na ba?"

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon