Blacklist

12.4K 367 23
                                    

CHAPTER FOURTEEN

I r i s

14th of August, 2022 at 0409H

Ang sarap ng tulog ko ng biglang may bumulaga sa akin. Isang malakas na huni ng alarm clock ang sumira sa aking magandang panaginip. I was kissing a good looking blonde woman. "Rise and shine, sweety" Istorbo. Ano na naman ba'ng iuutos nito? Kagabi, ginising niya ako para lang samahan siya sa tinutulugan niyang kwarto hanggang sa makatulog siya. Bantayan ko daw siya, at umalis na lang daw ako kung tulog na siya. Parang bata. Ginamit pa ang pagiging bonjing para makasama ako. Buti na lang ang kabaitan ko, wagas.

"It's four in the morning. What do you want?" Para sa isang kasambahay, hindi dapat ako ganito kung umasta. "Ay, sorry. Bastos lang talaga ako minsan," Tumawa lang siya. "Ano ba kasi'ng kailangan mo? Hindi ka ba makatulog? Halika na, sasamahan kita sa kwarto mo." Malaki naman yung kwartong tinutulugan niya ngayon, pero mas malaki ang silid na aking tinutulugan. Pa'no ba naman kasi, kwarto niya 'to. Espesyal daw kasi akong tsimay sabi niya.

"Parati naman, eh. Sanay na ako sa kabastusan mo." Naku, naku, ang hot na naman niya. Nakasuot siya ng jersey shorts na Chicago Bulls, black and red-colored J shoes, at itim na Dri-FIT racerback na hot na hot. Overused na ang word para sa kanya, pero ito ang katotohanan. "Get up. We're playing ball."

"Street basketball?"

"Yep."

"You're on." Hinahamon ako nito ah. Akala ba niya, siya lang ang magaling maglaro. Papakitaan ko siya ng da mubs ko. "We should bet on something." Suhestiyon ko. Mas masaya kasi 'pag ganun. May thrill. "Para naman seryosohin nating dalawa ang laro."

"Like?"

"You'll be my servant for the whole month."

"Sure."

"Pumapayag ka?"

"Oo."

"'Di nga?"

"Pero," Napalunok ako ng aking laway. Alam ko namang may kapalit yung pagpayag niya, eh. "...kung sakaling matalo ka, you'll be my date for tonight."

"Tonight?" Sa'n naman kaya kami pupunta? Ayon sa impormasyong binigay sa akin, hindi naman daw nakikipag-date yang si VV. This is new. Atleast, may bago akong isusulat sa aking Victorian Diary. "May okasyon ba? I'm not very good at dates, Victoria."

"Sort of." Kinuha niya ang kumot ko atsaka ito tinupi. Inayos rin niya ang nakusot kong bedsheet. Inabutan din niya ako ng masusuot kong itim na gaya ng suot niya, kulay-abong sweatpants, black and purple Air Jordan 12, at pangtali sa aking mahabang buhok dahil wala naman akong kahit ano'ng dalang gamit na pumunta dito. Wala naman sa plano ang pag-uwi niya sa'kin sa kanyang bahay, pero pumayag na lang din ako para mas lalo akong mapalapit sa kanya. "And one more thing, call me Tori."

"Okay."

"Say it."

"Say what?"

"My name."

"Tori."

"That's better."

14th of August, 2022 at 0511H

"Wake up. We're here."

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon