Guevarra vs. Sinclair

11.3K 337 18
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

I r i s

3rd of September, 2022 at 0006H

"I regret loving you," 'Yan ang huling linya ni Paris bago siya umalis. Regret? Putsa, ayaw lang sa'yo ng tao, nagsisi ka na agad na para bang hindi ka niya napasaya kahit minsan. Humarurot na paalis ang babaeng pilit nakikisali sa larawan ng pag-ibig namin ni Tori. Sige lang, Paris, ika-crop din naman kita, eh. I just hope this woman right here won't revert the stupid photo.

"Kaya pala ayaw mo akong pauwiin," Medyo matamlay ang pananalita ko. Wala, eh, nasaktan ako. Halikan ba naman ng iba sa harap ko ang babaeng aking iniirog. Naks, ang lalim. "So, you guys are back together?" Hindi ko maikakaila sa aking sarili na nasaktan talaga ako. "Kailan natin ipapakita ang pretend break-up natin?" Hindi pa rin sumasagot si Tori. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi, eh. Ah, ewan. Basta ang alam ko, nasaktan ako ng todo.

"No, you don't understand."

"I have a 20/20 vision and nailed my Ishihara test. I saw clearly how you enjoyed the kiss."

"Sometimes, even your own eyes deceive you." Tori looks me in the eye and says, "And sometimes, even a single memory betrays you."

Aawayin kitang gaga ka. Sinaktan mo ako, eh. "You know what? I quit." Dinukot ko mula sa aking bulsa ang teleponong kanyang binili para sa akin. "Thank you for everything." Nice. Kalmadong break-up lang ang peg. Napanganga na lang din si Tori. Hindi siya nag-react the way na gusto kong mag-react siya, kaya naman dagdag hinanakit na naman ang pangyayaring ito. Maybe Henley was right; I'm just one of her toys. I'm nothing to her. I was just delusional.

Naglakad na ako palayo. Hinayaan lang din ako ni Tori. 'Tang ina this. Ito na, umeepekto na ang alak. Bawat hakbang, mas lalo akong nahihilo. Bawat apak papalayo sa kanya, mas lalo din akong nasasaktan. Sabagay, okay lang naman dahil isa lang itong misyon. Hindi naman dapat ako mahuhulog kung hindi ko lang din hinayaan ang sarili ko. Kung hindi ko lang sana inalagaan ang nararamdaman ko, sana ngayon, nakakulong na 'yan. Mababaril na siya ng pellet gun oras-oras gaya ng plinano ko.

Why did I even fall anyway? Is it the way she smiles? The way she shows her care? Is it because of the delicious food she cooks for me? The odd and sweet surprise dates? Or is it the part of her, the bad side of Victoria Valmont, which I love the most? I have many reasons why I fell, but I don't see any reason why I shouldn't.

Nandito na ako ngayon sa bayan. Sa hinaba-haba ng nilakad ko, wala man lang sumunod sa aking nakasakay ng itim na Range Rover para pigilan akong umalis. Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Makatambay na nga lang dito sa gilid ng kalsada. Ah, doon na lang pala sa convenience store, tutal malapit na rin naman. Sakto, walang masyadong tao. May upuan at pahabang lamesa sa labas ng bilihan, kaya naman ako nagpasyang muling ituloy ang aking pagpapakalunod sa alak.

"Well, what do we have here?"

"Paris..."

"I see you're indulging yourself with cheap beer." Bakit niya alam na nandito ako? Nakakapagtaka at parang planado lahat ng galaw ng mga tao sa paligid ko. Ako ba talaga ang ispiha? Yung kina kuya Nash, Genji at Henley, pati 'yun, pinagtataka ko. Si Enzo, minsan hindi ko rin maintindihan. "Buy yourself a Grey Goose, dummy."

"Mahihilo ka rin naman, eh. Pareho lang ang epekto." Confident na confident pa rin ako dahil umaasa akong biglang dadating si Tori. Gosh, kailan pa ako umasa sa ibang tao? Damn. "You need something, what is it?" Prangka ko sa kanya. "Are you following me?"

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon