No Strings Attached

12.3K 351 11
                                    

CHAPTER FIFTEEN

I r i s

14th of August, 2022 at 2101H

"What was that about?" Tanong ko kay Tori pagpasok namin sa malaking na bakuran ng mansion kung saan magaganap ang isang party. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakadaan na kami sa sandamakmak na istatwa ng mga diyos at diyosa na mga Griyego, wala pa rin siyang kibo. "Hey, I'm talking to you." Teka, hindi pala ito mga Greek gods and goddesses kundi mga istatwa nina Tori at ng mga naging lider ng Blacklist. Puta, bato na pero hot pa din. Galing. Grabe talaga si ate girl.

"That was nothing."

"You owe me, Tori. May karapatan akong malaman. Besides, I have to pretend to be your girlfriend from now on."

"You never should've kissed me."

"Tell me you didn't like it, and I'll throw you into your skanky, slutty ex," Pataray kong sinabi. Natawa naman si Victoria. Sa totoo lang, nasaktan ako. Why is she doubting the little magic that we felt? Bad breath ba ako? Hindi ba ako marunong humalik? Ano'ng problema? Tell me! Pwede namang ulitin, eh. Willing ako.

"You kissed me."

"Don't change the subject."

"But you kissed me."

"Yes, I did."

"Bakit?"

"Gusto mo ba'ng magmukhang tanga sa harap ng ex mo at sa bago niya?" I'm just being realistic here. It's not that I care about her or anything. Alright, fine, I do care about her. Happy now?

"Hindi."

"Then, play this shit with me and play it right." Sana sundin niya ako para magawa namin ng maayos ang pagpapanggap. Ayoko namang mabuko kami dahil mas lalo siyang mapapahiya sa harap ng walang'yang haliparot na 'yun. Sakalin ko siya, eh. "Do you understand?"

"I never thought hookers could be so smart."

"Well, I am one of a kind."

"Yes, you are." May ilang segundo din kaming nagkatitigan. Walang nagsasalita, tinginan lang. Okay, this have got to stop. Out of character ka na naman, sis! "You truly are."

Hahaplosin sana nito ang aking pisngi, kung kaya naman ako napaatras ng konti. "So, what happened to you and that girl?" Nagtanong na lang ako para naman hindi awkward. "I need to know."

"She broke up with me, end of the story."

"Gusto mo ba'ng iwan kita dito?"

"'Wag naman. Damang-dama ko na, eh." Akala ko seryoso na kaso bumanat pa siya ng, "Can I ask my ex to bully me again so you'd kiss me?" Okay, nag-change court yung kilay ko. "Okay, wait, too soon?"

"Segue! Sige na, sabihin mo na."

"Paris is the daughter of one of the-"

"The what?"

"I can't tell you."

"Ano ba? Sooner or later, malalaman ko rin naman," Pangungumbinse ko sa kanya. Hindi pa lang kasi sabihin, nakakainis. Ano pa ba'ng kailangan kong gawin para umamin siya? Asar talaga! "Victoria, if you don't want to look like a fool, dapat hindi ka naglilihim sa'kin."

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon