PID 30- "BLUSH"

7K 148 4
                                    

A/N. Dedicated ito sa kanya dahil sa flood ng votes nya. Thanks.

JUSTIN' POV

Maganda ang gising ko ngayong araw batiin ka ba ng "i love you" sa umaga tingnan lang natin kung hindi mapupunit ang labi mo sa laki ng ngiti na ginagawa mo. Naghanda na ako para sa school.

Nakalabas na ako ng apartment ko at napansin ko ang sasakyan ni Ky. Hindi naman nya sinabing susunduin nya ako at sabay kaming pupunta ng school. Lumapit na ako at tiningnan ang loob ang hirap kasing makita ang loob dahil sa heavyly tinted ang sasakyan.

Sinilip ko ang loob pero mukhang wala naman ang may ari ng sasakyan. Kinatok ko nalang baka nakatulog lang sa loob. Hindi ba nya alam na nakakamatay ang pagtulog sa loob ng kotse. Walang sumasagot sa loob. Asan nakaya yung unggoy nayun?

Biglang dumilim ang paningin ko dahil may nagtakip ng mga mata ko at alam ko na kung sino ang isang to.

"Ky, alam kong ikaw yan" nakatawa kong sabi.

Hinarap nya ako at nakangising nakatingin sa akin "pano mo nalaman?" May pagbibiro ang boses nya.

"Ewan ko sayo" tinulak ko sya ng mahina na akmang papasok sa sasakyan nya dahil baka malate na kami pero mukang may balak na malate ang unggoy nato. Hinawakan nya ang kamay ko at hinala ako pabalik sa kanya at niyakap nya ako.

"Wala man lang bang good morning kiss jan?" Tanong nya habang nakayakap ng mahigpit sa akin.

"good morning lang ang meron walang kiss" nakangisi kong sabi sa kanya habang nakahilig ang ulo ko sa dibdib nya dahil hindi na parin ako binibitawan sa pagkakayakap nya."tika nga kumain ka na ba?" Wala akong narinig na sagot. Siniko ko nga para pansinin naman ako baka nakatulog natong nakatayo.

"Bakit?" Takang tanong nya at hindi talaga ako narinig ng isang to.

"Kumain ka na ba? Ang aga mo namang pumunta dito." Tumingin ako sa kanya.

"Gusto na kitang makita eh,  tsaka makakahintay naman ang tiyan ko pero hindi ang puso ko" napakaseryoso nyang sabi sa akin.

Sinapok ko nga ang ulo nya at humiwalay sa pagkakayakap nya. Sinamaan ko sya ng tingin "so hindi ka nga kumain?"

"Hindi pa naman ako nagugutom" at on cue tumunog ang tyan nya.

Natawa ako "hindi pala nagugutom ah".

Dumating na kami sa school five minutes bago ang time dumaan pa kasi kami sa drive tru para naman makakain ang mga alaga nya sa tyan nya. Dali dali aking lumabas ng kotse nya at nagpaalam na pupunta na ako sa room ko. Tumakbo na ako, ayoko ng pagpasok ko sa room pagtitinginan ako ng mga classmates ko pati teacher nakakahiya kaya yun.

Tumatakbo na ako papunta sa building namin ng mapansin kong nasa gilid ko si Ky habang sinasabayan akong tumakbo. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito? Huminto ako bigla.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon