PID 29 - "CLAY TO THE RESCUE"

6.4K 180 6
                                    

CLAY'S POV

Its already friday at sa buong week nato ang daming nangyari. Nagkasakit si Jaja. May ex na bumalik. May muntikan ng catfight na nangyari at may mission akong dapat gawin. Kailangan kong tulungan si Ky para magkausap sila ni Jaja.

Club day ngayon kaya magkikita kami ni Jaja sa office at kailangan kong malaman ang side nya sa story na sinabi ni Ky. Alam kong may hindi kwenento si Ky sa akin sa mga nangyari at yun siguto ang dahilan ni Jaja sa pag iwas nya kay Ky.

Pagdating ko sa office nakita kong nakaupo si Ky. Ano na naman kayang kailangan ng isang to sinabi ko ng tutulungan ko sya.

"Ano na naman bang sadya mo dito Ky?"

"Papasok ba sya ngayon?" Oo nga pala magaling na si Jaja kaya sabi nya nung bumisita ako sa kanya na makakaattend sya ngayong friday. Tumango nalang ako sa kanya. Naupo ako sa tabi nya.

"Sabihin mo nga Ky,  may hindi ka ba kwenento sa akin sa mga nangyari nung friday tsaka yung nangyari sa parking lot yung nag usap kayo, gusto kong malaman kung anong nangyari" kailangan kong malaman ang lahat bago ko sya tulungan baka magkamali pa ako.

"Wala ,tsaka yung nangyari sa parking lot yun na yun sinabi ko na may girlfriend na ako at hindi na pwede " tumango nalang ako kahit hindi ako naniniwala sa kanya.

"Hindi ka pa ba aalis" humiga na kasi sya sa sofa ang isang to sino na naman kaya ang nag aasikaso dun sa glee club.

"Pupunta naman dito si Jus diba kaya maghihintay nalang ako sa kanya dito" at nakapikit pa sya. 

"Hindi pwede, hindi ka pa nga napapatawad kaya wag mo syang biglain. Ako ng bahala kung paano kayo magkakausap ng kayong dalawa lang pero wag muna ngayon pumunta kana kaya sa GCO (glee club office) at tulungan mong mag facilitate yung mga ugok." Nag isip pa talaga ang loko. Hindi ba talaga nya napapansin na pinapalayas ko na sya. " Alis na Ky"

At umalis na sa wakas ang loko. Ang gagawin ko nalang ay ang mag isip ng plano kung paano ko mapagbabati ang dalawang yun. Wala pa naman kasing mga activities na kailangang tutukan ng attention and effort ang club kaya ito na munang pagbabati ng dalawang matitigas ang ulo ang aatupagin ko.

Nagdadatingan na ang mga members ng club, mabuti nalang at umalis ang mokong dahil siguradong gugulo ang office. Kahit naman may girlfriend na yung loko marami padin yung admirers at yung iba nasa club. Napapansin ko nga yung iba na ang tatalim ng mga tingin kay Jaja nung nalaman nilang girlfriend sya ni Ky.

Dumating narin si Jaja at mabuti nalang hindi na sya maputla.

"Morning Ja" bati ko sa kanya.

"Morning CC" nakangiti nyang bati rin sa akin. 

Napansin kong hindi abot tinga ang ngiti nya parang pilit lang ang ngiti nya. Pumasok ang secretary namin at may dalang form.

"Fill upan daw yan president para sa school feast" sabay abot nya sa akin ng form.

"PRINCESS IN DISGUISE"Where stories live. Discover now