PID - 21 " MISSING KY"

6.9K 150 5
                                    

Justin’s POV

“text message” yeah ganyan ang alert tone pag message lang pero pag call alam na,, hahha. Awwooohhh..

Ang aga naman ng isturbong to , tiningan ko kung anong oras na at , what? 5 am palang, sino ba tong pumutol sa beauty sleep ko. Tiningnan ko ang pangalan ng susunod na papatayin ko, at ito na mukang makakasuhan ako ng cruelty to animals nito ah. “UNNGOY” yan lang naman ang nambulabog sa mahimbing kong tulog.

Ano na naman kaya ang problema nito at ang aga aga pa eh. Hay eh kung buksan ko nalang kaya yung message para naman malaman ko diba. Barahin ba daw ang sarili.

“hindi kita masusundo” at yan lang ang nakalagay sa text message nya. Wala man lang bang “ good morning” tsk, wala talagang ka amor amor sa katawan tong unggoy na to.

Bakit kaya hindi nya ako masusundo ngayon? Ano naman kaya ang gagawin nun? Subukan lang nyang mambabae makikita nya ang hell agad.

WAIT A MINUTE. Ano itong iniisip ko? Hindi ko naman sya hinahanap nito diba . hindi ko naman gustong magpasundo dun sa unngoy na yun diba? Kaya ko namang pumunta ng school mag isa no. diba wala lang naman to.

“text message” tumunog na naman ang cellphone ko.

“may practice kami ng basketball , para sa game namin next week” hindi naman ako nagtatanong diba.

Natulog nalang ako ulit. Wait. Kailangan ba na magreply ako sa kanya. Ah diba nagpaalam lang naman yun kaya hindi na naman kailangan ng reply yun. Ah bahala na matutulog na talaga ako. Pikit ka na Jus.

ARGGG.. sige na nga. Kinuha ko na ang cellphone ko.

“sige, ingat” erase, erase, bakit naman nya kailangan ng ingat diba.

“sige, see you” erase , erase. Para namang gusto ko syang Makita . tsak. Hindi nalang kaya replyan diba. Mabuti pa nga.

Type.send.

Ano yung inilagay ko? Mmm… “OKAY” lang naman, pwede na yun noh kesa naman wala diba.

Nandito na ako sa school at ako lang mag isa, diba nga hindi ako nasundo ng unggoy nay un.

Habang naglalakad ako napansin kong panay na naman ang tingin ng mga ibang studyante sa akin, ano naman kaya ang problema nila.

“bakit hindi sila magkasama ni Prince?” narinig kong sabi ng isang babae at kung nagtataka kayo kung sino si prince walang iba kundi ang unggoy na si Ky, ewan ko kung bakit naging prince yan.

“baka break na sila” dagdag naman ng isa. Wow pag hindi magkasama break agad hindi ba pwedeng may ginawa lang kaya hindi nagkasabay.

“sabi ko na ba na hindi talaga sya seseryosohin ni Prince, ilusyunadang nerd” guess who ang nagsabi nyan. At kung si Fretzie ang hula nyo. Tama kayo, bigyan ng jacket,, hehehe joke.. pero ang bruhang to ilusyonada talaga ang tawag sa akin eh mas ilusyonada sya. Tsak.

“ano na naman bang problema mo ha Fretzie ang lakas ng boses mo , nakalulun ka ba ng megaphone ha” at dumating na ang aking mga angels..hahaha justin’s angles lang ang peg.

“tsaka Fretzie, pag hindi magkasama break agad diba pwedeng may practice lang sina Ky sa basketball para next week kaya hindi sila magkasama, ikaw itong ilusyunada eh” wow Sam ang haba nun ah.

“tara na nga punta na tayong room” yeah tama ka nga Alex, nagiging center of attraction na naman kami nito eh.

Umalis nalang kami at naglakad na papuntang room.

“alam mo bang may practice sila ngayon ng basketball?” tanong sa akin ni Sam.

“ah OO nagtxt kasi sya sa akin kanina “

"PRINCESS IN DISGUISE"Where stories live. Discover now