PID 55 - "BETWEEN THE PAST AND THE PRESENT"

5.6K 107 2
                                    

JUS POV


Kumatok muna ako bago ako pumasok sa kwarto ni mama naririnig ko kasi sa labas na may kasamang ibang tao sa loob si mama. Pagkapasok ko napansin kong nasa loob ang barkada at pati narin si Charles nandito rin.

Napatingin silang lahat sa akin ng pumasok ako. Hindi ako agad agad nakapasok kasi hindi binitawan ni Ky ang kamay ko. Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay. Tinaasan nya din ako ng kilay at ngumisi ng nakakaloko.

Tumingin naman ako sa kamay ko na mahigpit nyang hinahawakan.

'Hintayin mo ako" malambing na sabi nya. Pinalo ko naman sya gamit yung isang kamay ko para iparating sa kanya na hindi bagay ang mga paglalambing nya. Natawa nalang sya sa ginawa ko.

Nang makapasok na kami ng maayos sa loob ng kwarto. "Nandito ka rin pala Ky?" Sabi ni mama na nakahiga sa kama nya.

"Oo nga tita eh" napakamot sya sa ulo nya at well kung hindi lang talaga sya tanga yung magkahawak naming kamay ang tinaas nya. Ewan ko kung talagang nakalimutan nyang hindi pa nya binibitawan ang kamay ko o talagang sinadya nya na yun ang gamitin para makita ng lahat.

At well hindi naman mga bulag ang nasa kwarto at nakita nilang magkahawak kami ng kamay.

"Anong ibig sabihin ng holding hands nayan nak?" Tanong ni mama with a teasing tone. Pilit ko namang kunukuha ang kamay ko pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak dito at mukang wala sya balak bitawan ito as of the moment.

"Ito" at itinaas na naman nya ang kamay naming dalawa. "Bumigat daw kasi kamay nya kaya ito tinutulungan ko. Diba napakamatulungin ko tita" may nakakalokong ngiti na nakapinta sa labi nya. Kung hindi talaga to titigil sa kakangisi nya mapupunit na yang bibig nya.

"Nak, tama ba yung sinabi ni Ky." Alam ko namang tinutukso lang ako ni mama kaya hindi nalang ako sumagot at nginitian nalang sya.

'So you're together again" kung makangiti naman si Sam akala mo kung anong magic ang naganap. Lumingon ako sa kanya, tumango at ngumiti nalang ako bilang sagot.

Nabigla nalang ako ng tumili si Sam at niyakap kaming dalawa "OMG Im so happy for the two of you. Congratulations" natawa nalang ako sa excitement na mababasa mo sa mukha nya.

Nilingon ko naman ang ibang tao sa loob ng kwarto at isa isa silang nagcongratulate sa amin hanggang sa napunta ang mata ko kay Charles. He looks so broken. Nakita kong ngumiti sya pero alam na alam kong pilit ang ngiti na yun.

"Please excuse me" paalam ni Charles at dali dali syang lumabas bago ko paman sya mapigilan. Balak ko pa sanang habulin sya kaso nakahawak parin si Ky ng mahigpit sa mga kamay ko.

"Please Im just going to talk to him" sabi ko kay Ky.

"Dito ka lang. Ako na ang kakausap sa kanya. Marami din kaming mga bagay na dapat pag usapan" hindi na naman ako nakapagsalita dahil mabilis na nakalabas si Ky sa pinto. Susunod na sana ako ng marinig ko si mama.

"Hayaan mo na muna sila. Bigyan natin ng chance na magkausap ang mga lalake sa buhay mo. Wag kang mag alala alam kong mag uusap lang sila dahil alam nung dalawang yun na kapag hindi na usap yung ginagawa nila magagalit ka sa kanila kaya relax ka lang. Habang nag uusap yung dalawa ikaw naman ang magkwento kung anong nangyari sa inyo ni Ky" mama pat the empty space in her bed. Tumango ako at lumapit sa kanya at ikwenento ang kungnangyari sa amin ni Ky.

KY'S POV

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko yung Casper na malayo layo narin pero maririnig parin kapag sumigaw ako. Mabuti nalang at hindi mabilis maglakad ang isang to.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon