PID 33- " NLEX (NATE and ALEX) Chapter

6.5K 122 4
                                    

Hi to my blockmate JET.. hehehe dedicated tong chap na ito for you. Hi din kat Christine. ^_^

ENJOY READING.

JUS' POV

Its the first day of the school feast and the word excited would be an understatement of what I am feeling right now. I am feeling a whole new thing like I am born again without problems just all happiness. Siguro ito yung feeling na nabawasan ang mga dinadala ko. Yung pag amin ko sa barkada ng lahat ng katotohanan, gumaan talaga ng pakiramdam ko.

Maaga ang punta namin ngayon kasi nga kailangan daw ready na ang lahat bago i-open for the public ang school at officially magsastart na ang school feast. As usual ay nag aabang na naman si Ky sa harap ng apartment ko looking dangerously handsome.

Nakasandal sya sa car nya na nakatingin well mas mabuting sabihin na nakatitig sa akin. Naka-civilian kami kasi nga hindi naman school day kaya hindi require ang mag-uniform. Naka jeans sya na black na medyo skinny type pero hindi naman yung parang katulad ng mga sinusuot ng mga tambay sa kanto. Naka v-neck naman sya na Maroon na mas nagpalabas ng pagiging maputi nya.

Napatingin ako sa sarili ko. What did I do to deserve this beautiful creature. Siguro nung past life ko ay nakagawa ako ng napakabuting bagay. May tinulungan siguro akong nasa bingit na ng kamatayan. O GOD THANK YOU FOR THE BLESSING.

Nasa harap ko na sya at nakatitig parin sya sa akin. Hindi ba nya alam na nakakatunaw ang mga tingin nya? Nanlalambot ang mga tuhod ko na nakatingin sa kanya. Bakit mas gumwapo sya sa malapitan? Ang unfair talaga ng buhay. Yung iba sa malapitan lang nagiging maganda/gwapo, yung iba naman sa malayuan at yung mas grabe yung iba na maganda/gwapo lang pag nakatalikod.

"Hi babe" nakangiti nyang bati sa akin. Namula na naman ako. Ngumiti din ako sa kanya. Nakakahawa naman talaga ang ngiti nya.

"Hi" arrgg bakit ba nahihiya pa rin ako sa kanya. Nung una naman sumasagot sagot pa ako sa kanya at tinatawag tawag ko pa syang unggoy pero ngayon bakit parang pakiramdam ko pag tinawag ko pa syang ganun, feeling ko pagnamatay ako ngayon deretso na ako sa empyerno dahil sa tindi ng pagsisinungaling ko.

"Ganda natin ngayon ah. Bagay sayo ang suot mo" mas lalo naman akong namula sa sinabi nya.OMG. Napatingin ako sa suot ko. Nakadress lang naman ako pero casual lang na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Hindi naman ganun ka elegante ang suot ko pero nung sinuot ko naman to alam ko namang bagay din naman sa akin.

"Ikaw din bagay sayo yang suot mo" nakayuko akong sinabi ang complement na yun kahit naman ang gusto kong sabihin ay ang gwapo gwapo nya sa damit nya.

"Alam ko" nag smirk sya sa akin bago nya buksan ang pinto ng kotse nya at sumakay na ako.

Mabilis lang ang byahe namin papuntang school. Pagdating na nakita ko kaagad sina Van at Kirk na naghihintay sa may parking lot. Bakit kaya magkasama ang dalawang to. Nauna akong lumabas ng kotse at tumakbo papunta kina Van, matukso nga ang babaeng to.

"Uuuyyyy,bakit kayo magkasama ha?" Bulong ko sa tingan ni Van na tinataas taas pa ang kilay ko for effect. Kumunot naman ang noo nya at tiningnan ako ng masama.

"Anong uuyy uuyy ka dyan, hindi kami magkasama no nagkataon lang na tumabi yan sa akin tsaka wag nga ako ang atupagin mo yung sayo ang pagkaabalahan mo. Kailangan mong bakuran yan" nagtaka naman ako sa sinabi nya. Ngumusu sya sa may bandang likod ko at paglingon ko nakita ko si Ky na papunta sa amin. Tumingin ulit ako kay Van para tanungin ang kung anong ibig sabihin ng sinabi nya pero ngumuso na naman sya.

"PRINCESS IN DISGUISE"Where stories live. Discover now