PID- 5- "NEW FRIENDS"

10.1K 225 1
                                    

JUSTIN’S POV

#FASTFORWARD# wala kasing masyadong nangyari nung mga nakaraang araw eh at tsaka excited na akong magpasukan noh.. ^__^

First day of school na …  ^__^

Halata bang hindi masyadong excited.

Gaya ng nasabi ko walang nangyari masyado nung nakaraang araw, bumalik lang ako sa apartment ko at bumili ng mga requirements para sa school. Yun lang siguro ang nagawa ko . ang boring ng buhay ko no.

Maaga naman akong nakarating sa school para naman wala masyadong students, mahirap na at baka magkita na naman kami ng Fretzie na yun.

Naglakad na ako papunta sa building ng 4th year . namangha parin ako kahit na nakaikot na ako dito noon. Ang laki pala talaga . mantakin nyo may girls department at boys department.

Nakahiwalay kasi ang boys at girls, pero iisa naman ang ibang mga facilities katulad ng cafeteria classrooms lang ang magkahiwalay. Para daw matuun ang mga students sa pag aaral , diba may iba na palaging nakatingin sa mga crushes nila kaya hindi na makapag concentrate sa lessons.

Ang girls department ay sa eastwing at ang boys department naman ay sa westwing. Bale pagpasok na pagpasok mo may way na pa east at pa west. Hindi naman bawal na pumunta ang boys sa girls at vice versa basta hindi lang class hours.

Naglalakad na ako papunta sa building 4 , ito kasi building ng 4th year at ito pa ang pinakamalayo . napagod tuloy ako.

Nasa harap na ako ng building namin. Wahhh , ano ba naman to naglakad na nga ng malayo aakyat pa ako ng 3rd floor. Section 4-1 pala ako star section. Hehehe sinasabi ko lang.

Ang building ay may 4 floors hindi pa kasama ang rooftop dun bale 5 lahat. Ang nasa first floor kasi ay teachers office, CR , at clinic . yes every building may clinic. Sa second floor naman ay physics lab, speech lab , cr at AVR. Sa 3rd at 4th floors naman ay mga classrooms na at may CRs din every floors maliban lang sa rooftop.

Nandito na ako sa tapat ng room ko. Nakatayo lang ako sa labas at nakatingin sa pinto. Nakasara kasi ang pinto air conditioned ang lahat ng rooms diba. Sana may maging kaibigan ako.

Pumasok na ako ng room.

Natahimik ang lahat .      WOW ha may anghel bang pumasok at biglang natahimik.

“anong ginagawa mo dito nerd?”

Oh oh ang boses nay un , kay bruha yun.

Napatingin ako sa nagsalita at tama nga ako ang bruhang Fretzie nga. Pagminamalas ka nga naman kaklase ko pa ang bruhang ito , akala ko ba star section to. Ahh OO nga star pang outer space alien din tung bruhang to eh.

“eh ano pa ba ang ginagawa dito , diba nag aaral kaya mag aaral ako , obvious naman diba”

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon