PID 44 - "SECOND CHANCE"

5.4K 123 1
                                    

JUS'POV

Libro dito. Libro doon. Papel dito. Papel doon. Ito lang naman ang mga nakakalat sa library ni Daddy ngayon. Ewan ko ba kung gaano ka importante yung hinahanap namin na documento para baliktarin pa namin ang buong library.

"What is so important about that file?" Angal kong tanong kay Oscar. Sya kasi at si Oli ang kasama ko dito na naghahalungkat.

"Its important okay" hay hindi talaga matinong kausap tong kapatid ko na to kaya hindi kami super close nito eh.

"Oli?" Baling ko sa isa ko pang kapatid na nakita kong nakaupo nalang at hindi na naghahalungkat.

"I dont know I was just told to help find it" help daw eh nakaupo lang naman sya at nakatingin sa amin. Ano naman drama nito supervisor lang?

"Ah Im not helping to find it if I dont know whats it for" umupo na ako sa tabi ni Oli.

Natigil sa paghahalungkat si Oscar at tumingin sa gawi namin. He glared at us but I just raised my eyebrows at him and stick out my tongue.

"What are you 5?" At bumalik na sya sa paghahalungkat.

"Im not helping" pakanta kong sinabi sa kanya.

Kumuha ako ng isang libro na nakakalat at binasa ko ito. Hindi ako tatayo dito hanggat hindi sinasabi ni Oscar sa akin ang gusto kong malaman.

"Okay" napatingin ako sa kapatid ko. Eh sasabihin lang din naman pala pinatagal pa. "Its for my training" nahintay kami kung may idadagdag pa sya kaso hindi na sya nagsalita at nagpatuloy nalang sa paghahalungkat.

"Training for what?" Tanong ni Oli na nakataas pa ang kilay.

"For the position" napaawang ang bibig ko at napansin ko din na natigil sa ginagawa si Oli at tumingin o mas tamang sabihing tinitigan namin ang panganay naming kapatid.

"The king decided that I will be starting my training for the position since dad is not capable because of his health and this what we are doing now is my first training" paliwanag nya na patuloy pa sa paghahalungkat.

"OMYGAD" yan lang ang nasabi ko sa lahat ng sinabi nya. Magiging hari na ang kapatid ko. Alam ko naman na magiging isang mabuti at tapat na hari ang kapatid ko balang araw.

"Congrats bro" sabi ni Oli. Kahit na kabal sila yung panganay talaga ang magmamana ng korona.

"Okay lets do this. FOR OUR FUTURE KING" sumigaw ako at tinapon nalang basta basta ang libro na kunwaring binabasa ko kanina at nagsimula ng maghanap.

Yung hinahanap daw namin ay isang folder na naglalaman ng mga naging transaction ng mga nakaraang hari.

Magdadalawang oras na kaming naghahalungkat pero hindi parin namin nakikita yung hinahanap namin.

"Im starving" biglang salita ni Oli.

"Okay lets go to the kitchen and wolf down some sandwiches and drinks" announce ni Oscar at tumayo na.

Hindi ko pa gustong tumayo at maglakad sa mahabang hagdan namin papunta sa kusina kaya nanatili nalang akong nakaupo.

"Not hungry?" Tanong ni Oscar habang si Oli naman ay tumakbo na pababa.

"Too tired"

"Want me to bring it here?" I nodded. Dito nalang ako kakain kaysa naman mapagod pa akong maglakad papunta sa kusina.

I head to the sofa and lie down. Inilibot ko ang paningin ko sa buong library. Nerd man pakinggan pero I really like libraries. Iba ang feeling kung nasa library ako. Parang at ease at peaceful ng paligid maliban nalang kung kasama mo yung dalawa.Kung ako lang gusto ko tumira sa loob ng library.

"PRINCESS IN DISGUISE"Where stories live. Discover now