PID 60 - "EPILOGUE"

7.2K 126 9
                                    

JUS POV


"You are very beautiful nak" narinig kong sabi ni mama. Tumingin naman ako sa salamin at ngumiti. In Fairness hindi nagsisinungaling si mama.

"What time do we have to be there?" Natawa nalang ako kay mama dahil sa natataranta na sya.

"Ma relax, mahaba pa ang oras natin" tumingin ako sa relo ko at may higit isang oras pa kaming natitira bago magsimula ang seremonya.

"Your finish princess" narinig ko wika ng make up artist sa akin. Tumayo na ako at humarap kay mama.

"Ma, why are you crying? Yung make up mo masisira yan. Mala-late na talaga tayo"

"You're just so beautiful nak. Kung buhay lang talaga yung mommy mo ngayon mas malakas pa yung iyak nya malamang kesa sa akin"

Napangiti nalang ako sa sinabi ni mama. I miss my mommy very much but I'm also very thankful na nandyan si mama sa tabi ko.

"Umikot ka nga para sa akin nak"

Pinagbigyan ko na si mama at umikot ako sa harap nya. Im wearing a white gown na may mga design ng crystals.

"A very beautiful princess. Pero sa tingin ko may kulang pa" tumingin naman ako ulit sa salamin. Yung full length na salamin ha para makita ko talaga kung ano ang sinasabi ni mama na kulang.

"Wala namang kulang mama" tumingin ulit ako kay mama.

"Umupo ka ulit nak kukunin ko lang sana ang kulang"

Binuksan nya ang drawer ko at kinuha ang palagay ko ay isang box. A blue box na ka size ng shoebox. Umupo nalang ako at naghintay sa kung ano man ang nasa loob ng box.

Napanganga ako ng makita ko ang laman ng box. It is a tiara.

"Ma?"

"Your father gave this to me last night. He said to make sure that you will be wearing this in the ceremony." Lumapit na si mama at dahan dahan nya nilalagay ang tiara sa ulo ko.

Tumingin ako sa salamin at nakita kong nakatingin din si mama sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Your mommy would be very proud of you. You grow up to be a beautiful and kind daughter and woman." Niyakap ko nalang si mama at pinigilang hindi maiyak.

Naputol ang senti moment namin ni mama ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bumukas ito at pumasok ang isa sa mga guard.

"Princess, your friends are here"

"Let them in. Thank you"

Bumukas ang pinto at isa isang pumasok sina Sam, Alex at Van. Naka-gown din silang tatlo.

"Wow, ang ganda mo Jus" bungad na sabi ni Alex na naka taeil halter gown. She looks so sexy and elegant with her dress.

"Oo nga. Kung noon alam na namin na prinsesa ka nga ngayon hindi na kailangan ng sabi sabi pa kitang kita na ang pagka-royalty mo" si Van naman ay naka lavender na spaghetti strap gown. She gives off a sophisticated aura.

"After three years nakabalik din kami dito sa Morocco at were very privileged to be part of the occasion Jus" naka blue naman na tube gown si Sam na hugis na hugis ang balingkinitan nya pangangatawan.

"The three of you are all beautiful" sabi naman ni mama na nangingilid na naman ang luha.

"Diba ma sabi ko wala nang iyakan" dali dali namang pinunasan ni mama ang luha nya at ngumiti.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon