PID 50 - "THE REUNION"

5K 114 10
                                    

SAM POV

Papunta kami ngayon sa ospital. Ewan ko ba dun sa pinsan ko eh sa dadalaw lang naman kay tita naisipan pa nyang magpaconfine. Completo kaming pito dito sa loob ng van.

"Ano daw nangyari kay Ky?" Tanong ni Clay na nasa harap nakaupo katabi ni kuya Mike na driver namin.

"Baka sa kakadalaw niya kay tita nainggit kaya ayon gumawa ng paraan para maconfine din sya" biro naman ni Nate. Nasapok tuloy siya ni Alex na nasa tabi nya. Ewan ko ba jan kay Alex at pumatol talaga kay Nate. Natawa nalang ako sa kanila.

"My naman" narinig kong sabi ni Van. Kinikiliti kasi sya ni Kirk in short naghaharutan sila. At yes kung tinatanong nyo kung sila well may tawagan na nga na 'my' kaya I dont have to state the obvious.

"Tumigil nga kayo sa paghaharutan nyo jan, parang hindi ospital yung pupuntahan natin tsaka tapos na valentines day." saway naman ni Clay.

"Alam mo Clay, hindi ko man alam ang feeling pero alam ko na naiingit ka. Kaya pangako pagkatapos na pagkatapos ng dalaw nnatin kay Ky iseset up kita sa blind date' may lumipad naman na rubber ball papunta kay Nate pagkatapos nyang sabihin yun.

"Tigil tigilan mo ako Nate." Ayaw na ayaw ni Clay ang tinutukso sya.

"Eh bakit hindi nalang si Miracle yung i-date mo Clay" sabat naman ni Alex.

"Oo nga. Maganda na mabait pa." Nag-apir naman si Van at Alex.

"Hindi ko type ang Himala na yun" at biglang sumimangot ang mukha ni Clay.

"Eh sya type ka naman nya" sumakay na ako sa panunukso nila kay Clay.

"Tigilan nyo nga akong lahat. At Stephen wag kanang sumabat jan alam kung may sasabihin ka rin" kumuha na sya ng earphone nya at sinaksak sa tenga nya. Natawa nalang kami sa kanya.

Napaisip nalang ako kay Ky. He has change big time. Ewan ko ba pero hindi na sya yung dating Ky na pinsan ko. Hindi sa hindi ko gusto na nagbago sya, sa katunayan gusto ko ang pagbabago nya.

Naging mas responsable na sya. Naging mas mabait at naging reasonable. Hindi narin sya babaero. Pero naging malungkot narin sya. Nung una akala namin well nagpapakaemo lang siya dahil kay Jus pero at some point naging aloof nadin sya at gloomy.

Paminsan minsan nagjojoke din naman sya pero hindi na kagaya ng dati. Hindi ko nga alam kung anong mas gusto ko ang ngayon o dati na Ky.

"Ano ba daw ang lagay ni Ky sabi kanina Kirk?" Tanong ko kasi sya yung nagpaalam sa amin kung ano ang nangyari. Mabuti nalang at sa ospital nila Kirk nangyari ang nangyari.

"Nahimatay daw. Sabi din na bago pa daw nangyari yun, tulala daw sya at pabalik balik sa kakalakad sa corridor ng ospital tapos may kasama daw na babae papuntang hindi nila alam hanggang sa may nagreport nalang daw na nahimatay sya sa harap ng kwarto ni tita"

"Okay lang ba si tita? Baka nangyari yun kasi may nangyari rin kay tita." Nag aalalang tanong ni Van. Lahat kami ay napalapit na kay tita simula palang nung makilala namin si Jus.

"Dont worry my I also checked tita's condition and they assured me that she recovery really fast and maybe 1 to 2 days she can be out of the hospital."

Mabuti nalang okay na si tita at hindi malala ang kalagayan ni Ky. Gumaganda na ang mga pangyayari pero may kulang parin sa litrato. Si Jus.

We've been trying to know where she is right now. Simula nung nalaman namin na si Fretzie ang may kasalanan ng lahat sinubukan naming kontakin si Jus, pero wala. Tinanong din namin si tita pero hindi namin alam kung wala talagang contact si tita kay Jus o talagang ayaw na nyang masaktan pa si Jus.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon