PID- 8- " SI AMAZONA AT SI SUNGIT"

10.2K 185 0
                                    

VAN’S POV

Monday na naman ngayon may pasok na naman. Nakakapagod talagang gumising ng maaga at pumunta ng school.tsk. makikinig lang naman ng lesson at the rest is a boring day.

Mabuti nalang at may mga friends ako na pampawala ng boring.

Tapos na akong maghanda para pumunta na ng school. Sumakay na ako ng kotse ko at pumunta na ako ng school. Maaga pa naman kaya walang traffic ngayon. Hindi ko talaga feel ang traffic madaling uminit ang ulo ko pag ganun.

Biglang huminto ang kotse ko. Isa rin to sa makakapag init ng ulo ko. ARRRGGG. Hindi pa naman ako marunong mag kalikot ng kotse at sa kamalasmalasan nga naman dito pa ako sa part na madalang lang ang dumadaan. Sa alternate road kasi ako dumadaan kasi konti lang ang sasakyan na pumipili ng way nato at less hassle pero kung ganito rin naman ang mangyayari .arrrrrggggg nakakainis.

Siguradong malelate ako nito. Ayaw ko pa namang malate kahit na ayoko din namang pumasok.. tsk.. gulo ko diba.. eh sa ganun ako eh.

Hinanap ko ang cellphone ko para tawagan ang driver namin na ipadala ang isa ko pang sasakyan pero hindi ko mahanap ang cellphone ko.

MALAS TALAGA

Maghihintay nalang ako ng dadaan kung may dadaan nga. Ang layo pa kasi kung lalakarin ko at asa naman kayo na maglalakad ako.

10 mins

20 mins

30 mins

ARRRGG …. Wala ba talagang sasakyan na dadaan..

Broooommm……broooommmm ( hindi yan walis ha … tunog yan ng motorbike)

At sa wakas may dadaan din.

Pinara ko ang bike para naman makahingi ng tulong o kaya sasabay nalang ako hanggang sa sakayan na.. kahit na nahihiya ako..

Tumigil naman ang bike at papalapit sya sa akin.

Napansin kong sa school namin ang uniform na suot nya mukang schoolmate kami.. ay hindi Van tsk. Kaya nga pareho ng uniform nyo. Timing naman ng lalaking to makikisabay nalang ako patungong school kilala naman siguro ako nito. Sino ba namang hindi nakakakilala sa akin.

Humarap sa akin ang driver ng bike pero hindi ko Makita ang mukha nya, nakahelmet pa kasi sya at tinted pa yung helmet.

Papalapit sya ng papalapit sa akin.

Parang may kafigure sya ah pero mukang hindi sya yan hindi ko pa kasi nakikitang nakabike yun siguro pareho lang talaga sila ng pangangatawan.tsaka asa pa ako na kung sya yan hihintuan kaya ako nun. Malaki ata ang problema nun sa akin. Palagi nalang akong binabara at inaasar.

Tinanggal na nung lalake ang helmet nya.

“KIRK”

nagulat ako… sya nga ,… #blink blink# kunusot ko pa ang mga mata ko baka namamalik mata lang ako.

KIRK’S POV

Anong trip ng babaeng to at may pa kuso kusot pa ng mata.

“anong problema sa mata mo amazona” yes, amazona ang tawag ko kay van. tingnan nyo naman ang kilos at asta amazonang amazona.

“si Kirk ka nga talaga hindi ako namamalikmata “ ano bang akala nya na namamakilmata sya.. baliw din siguro tong amazonang to.

“sino pa bang akala mo amazona tsaka bakit nandito ka at pinara mo pa ako wala ka bang balak pumasok?” akala ko pa naman model student tong amazonang to sya kaya ang running valedictorian namin akalain mo yun tinalo pa si Alex na palabasa.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon