CHAPTER 15

1.7K 77 1
                                    

Cristel

Like and love has a big difference. Iyon ang palagi kong pinapaalala sa sarili ko dahil baka mag assume na naman ako. Three days have passed when we confess our feelings for each other.

It's okay right? Sa like naman nagsisimula ang lahat diba? Maybe I can't assume but I have hope. Siguro yun nalang ang panghahawakan ko sa lahat ng pangyayari.

We've been busy the whole week. Inaalalayan ko si dad sa company dahil malapit din namang ipasa ito sa akin nang malaman niya ang namagitan sa amin ni Austin.

While Austin, he's busy with his own business. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking magazine company which is ang feature ay mga sikat na artista at establisyemento dito sa Pilipinas.

And I can say, I miss him not seeing for almost one week. Isang beses lang siguro kaming nagkita. Naiintindihan ko naman yun dahil sabi ni dad ay may mga importanteng meeting si Austin sa ibang bansa.

Hindi lang kasi sa Pilipinas na e-exist ang kompanya niya. Kasama na din sa ibang bansa kung kaya't palagi siyang may meeting sa labas.

Hindi naman niya nakakalimutan na i-text ako para kamustahin. Sapat na iyon para mapanatag ako. But not seeing him was insane.

Yes. Mababaliw na yata ako dahil sa pagka miss niya.

"Next week na pala ang kasal mo noh?"

Boses yun ni Shery na nakatambay sa opisina ko. Wala yatang photoshoot kaya dito tumatambay.

"Yeah. Kaya mas lalo kaming hindi nagkikita dahil mas magiging busy kami." Saad ko habang inaaprobahan ang nga papeles.

Last time I saw him was the day when he propose to me. Ewan ko nga ba sa mga magulang namin kung bakit gusto na nilang ikasal kami agad. Kaya sobrang busy tuloy namin ngayon.

"Gosh! Hindi talaga ako makapaniwalang ikakasal kana Insan. Sinunod mo talaga yung sinabi ko?"

Sinamaan ko siya ng tingin na hindi man lang naapektuhan.

"Tumahimik ka nga diyan Insan. Hindi ko sinunod ang sinabi mo kung yun ang ibig mong sabihin. This is my own way. Kaya shut up Insan."

Natawa siya ng irapan ko siya. Kahit kailan talaga napaka chismosa niya. Saan ba siya nagmana? Hindi naman chismosa at chismoso ang dad at mom niya.

"Nagtatanong lang naman."

"Bakit kaba kasi nandito? Wala ka bang photoshoot? Iniistorbo mo ako eh."

"Ouch." Napahawak pa siya sa kanyang dibdib na para bang nasaktan talaga siya sa sinabi ko. "hindi mo ba gustong nandito ang diyosa mong pinsan? Bakit parang pinaaalis mo na ako?"

Napairap ako. "Wag kang ma drama diyan. Hindi bagay sayo. Tumahimik kana lang diyan para mas madali akong matapos."

I rolled my eyes one last time before I fucos on my job. Hinayaan ko na lang siyang dumaldal ng dumaldal kahit naiinis na ako.

Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit tumahimik siya pero mas mabuti na din yun. Sakto din namang bumukas ang pinto pero hindi ako nag-angat ng tingin.

Baka sekretarya lang yun ni dad na kukuha ng mga papeles na pinirmahan ko.

"Are you that busy that you can't look at me?"

Napasinghap ako at mabilis na nag-angat ng tingin nang marinig ko ang kanyang boses.

Nanlaki ang mata ko habang nakaawang ang bibig.

"H-How.."

Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko sa lakas ng pagkabog ng aking puso.

I want to hug him so bad! Or even kiss him! Pero hindi ko nagawa. Knowing na nandito si Insan na dakilang chismosa.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now