CHAPTER 9

1.7K 74 2
                                    

Cristel

I'm at work right now again and I'm so busy. Marami kasing naghahanap ngayon ng masusing kasambahay kaya aligaga kami.

Mamaya, plano kong kausapin si mom at dad tungkol sa kanilang kondisyon para makuha ko aficially ang kompanya.

Not straight to the point though. Gusto kong magka idea lang sila na unti-untiin ang pag settle down ko.

I like Austin. Really. Pero hindi naman ako one hundred percent sure kung siya na ba talaga ang gusto kong makasama habang buhay. And does he.

Hindi ko naman hawak ang desisyon niya kaya hindi dapat ako makampante. That's why I'm scared to risk. Dahil baka mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya pero wala namang tugon.

Maraming ng nabiktima nang feelings na yun. Ayokong maging isa sa kanila. Nakakatakot.

Nang matapos ako sa aking trabaho and it's exactly lunch, lumabas na ako sa opisina at dumeretso sa opisina ni dad.

Mabuti nalang at nanduon din si mom para tulungan si dad. Hindi na ako mag-aababalang puntahan siya sa bahay.

"Hi mom, dad." Nakipag beso ako sa kanila bago naupo sa upuan na nasa harapan ni mom.

"Why are you here sweetheart? Hindi kapa ba mag lu-lunch? We can order you a food."

Mabilis akong umiling sa offer ni mom. Si dad ay busy pa din sa pag pirma ng mga papeles.

"I'm here to talk.. about the condition for the company."

Napatigil si dad sa ginagawa niya. Mukhang nakuha ko ang kanyang atensiyon.

Si mom din ay napatingin sa akin. Mukhang nagulat. Oo nga naman, sinong hindi magugulat sa sinabi ko?

"Come again?"

Huminga ako ng malalim bago sabihin sa kanila ang pakay ko.

"I've decided na, why not try it? What I mean is, I want to know more about this guy I'm with. I think you know him mom." Makahulugan kong wika sa kanya na mukhang naka recover na sa pagkagulat.

"Oh, it's him?"

Dahan-dahan akong tumango.

"Wait, wait. Ako lang ba ang walang alam dito?"

Natawa ako sa sinabi ni dad. Halatang nagtatampo. Tumayo na ako bago sila nginitian.

"Kailangan ko ng umalis. Ikaw nalang ang magsabi kay dad, mom. For now, I want to enjoy this. Hindi man ako sure, but I want to try it. Bye!"

Kumaway na ako sa kanila bago naglakad palabas ng opisina. I know mom get my point. Siya na ang bahalang magsabi kay dad.

Nakasakay ako ngayon sa elevator pababa sa ground floor nang mag beep ang phone.

Kinuha ko ito sa aking bag at binasa ang text na galing kay Austin.

From: Austin

Wanna eat lunch with me? I'm in the lounge right now.

Hindi na ako nag reply sa text niya. Pinindot ko ang number one ng elevator nang makarating ako sa ground floor.

Minutes later, naglalakad na ako papunta sa gawi ni Austin. Nasa may entrance siya habang nakapamulsa.

"Kanina kapa ba dito? Bakit hindi kana lang sa kotse mo naghintay?" Tanong ko sa kanya nang mapansing pinagtitinginan siya.

Sino ba naman kasing hindi mapapatingin sa kanya. Mukha siyang model na naka display lang dito sa main entrance.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now