CHAPTER 19

1.6K 63 1
                                    

Cristel

Sa lahat siguro ng activities na gusto kong gawin ay snorkelling lang ang nasunod. Lately talaga mabilis na akong mapagod. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bilis kong mapagod. Noon nga kahit ilang oras akong babad sa anong bagay nakakayanan ko naman. But why now? Kung kailan kasama ko si Austin, saka naman ako napapagod ng ganito?

We're in his house. Pinagluluto niya ako ng paborito kong sinigang na baka dahil nag cre-crave na naman ako.

Hindi ko alam pero gusto ko talagang kumain nun na siya lang ang nagluluto at hindi ang iba.

Dalawang araw nalang ang namamalagi sa amin kaya as much as possible, mas gusto ko pa siyang makasama ng matagal habang nandito kami.

I want to enjoy every second and every minute with him. Kaya pagkatapos naming kumain ngayon, pupunta kami sa pinakamalapit na bayan para mamasyal.

"Nasaan na yung mangga at ketchup na hinihingi ko sayo?" Nakabusangot na tanong ko sa kanya habang nangalumbaba sa counter top ng kusina at pinapanood siya.

Muntik ko ng makalimutan yun kung hindi lang ako nag crave ng maasim at matamis. Kaya agad ko siyang sinabihan na magpabili ng mangga at ketchup. Well, may ketchup naman dito. Mangga nalang ang kulang.

"In the fridge. Binalatan ko na kanina para sayo. Can you get it for me? Malapit na tong matapos ang niluluto ko."

I giggled on what he said and ran towards the refrigerator. Nang buksan ko yun ay nakita ko agad ang isang bowl ng mangga na kinuha ko.

I close the ref and open the nearest cupboard kung nasaan ang ketchup. Kinuha ko ito at binuksan bago isalin sa maliit na platito.

I put it in the table then sat in the stool. Hindi ko na pinansin kung ano ang ginagawa niya dahil nakatuon lang ang pansin ko sa mangga.

"Are you sure that is it's delicious? Baka magkasakit pa ang tiyan mo diyan sa kinakain mo."

Sinamaan ko siya ng tingin habang hinahain ang niluluto niya sa malaking bowl.

Muntik pa tuloy siyang mapaso sa pagkagulat kung hindi lang siya naging mas maingat.

"Are you insulting my manggo and ketchup? Tss. Don't talk to me." Mataray kong sabi sa kanya bago kumuha ng mangga at isawsaw sa ketchup.

"Hey, what?!"

Hindi ko pinansin ang pagdadrama niya at kinagat nalang ang mangga na may ketchup. Napapikit pa ako sa pinaghalong sarap, asim at tamis na nalalasahan ko.

"Ang sarap." Naibulong ko bago sunod-sunod na sumubo.

"Hey, are you mad?"

Hindi na siguro nakatiis si Austin at tumabi na ng upo sa akin. Sinagot ko siya pero ang atensyon ko ay nasa kinakain ko.

"I'm not mad. I'm Cristel." Sarkastiko kong sagot sa kanya.

He groan. "Come om sweetie. You can't hate me! Pansinin mo na ako please? Nag-alala lang naman ako sayo. Baka mapano ka."

Nginuya ko ng mabuti ang mangga na may ketchup bago siya binalingan ng tingin. Pigil-pigil ko ang tawa ko dahil sa nakabusangot niyang mukha.

I'm just teasing him. Ang sarap kasing makita ang priceless niyang mukha sa hindi malamang dahilan. Gusto kong makita na nahihirapan siyang suyuin ako.

Pinaseryoso ko pa ang mukha ko. "No. I won't forgive you for insulting my manggo ang ketchup. Honestly, they're delicious than you." I lied.

Mas masarap pa din si Austin kung tutusuin. Sunod ang sinigang at pangatlo itong kinakain ko ngayon.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now