EPILOGUE

2.7K 105 5
                                    

Cristel

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday.. Happy birthday to you."

"Blow the candle baby." Nakangiting utos ko sa apat na taong gulang kong anak na babae na si Khate.

She's wearing her favorite Disney princess dress like Cinderella. Tamang-tama lang para sa theme ng kanyang birthday party.

My princess blew the candle as we applause. Hinaplos ko ang buhok ng aking anak at hinalikan siya duon.

"Happy birthday my princess."

Ngumiti siya sa akin ng abot tainga. "Thank you mommy."

Hinayaan ko na siyang tumakbo patungo sa ibang mga bata para maglaro. Inakbayan ako ni Austin na kanina pa nakatayo sa aking gilid.

"Nandito na ba sila mama?" I ask. Referring to his family.

"Nag text sa akin si mom. Ma le-late daw sila ng konti."

Tumango ako sa kanyang sinabi at pinagmasdan ang anak namin. Napangiti ako ng tipid habang pinapanood siyang mag laro sa kapwa niya bata.

Parang kailan lang. Karga-karga ko pa siya sa aking braso. Ang bilis ng panahon. Hindi mo man lang namamalayan.

"Gusto mo bang samahan ako? Pupunta ako sa mga kaibigan ko." Ani ko nang maging tahimik na kaming dalawa.

My friends means the wife of his friends. Kailan lang ay nalaman ko na ang matatalik niyang kaibigan ay kabilang sa Organisasyon na sinasabi niya.

"Sure. Wala naman din akong gagawin."

Bago kami maglakad paalis ni Austin ay inutusan ko muna ang isang maid na asikasuhin ang mga bata at bigyan ng cake.

Matapos nun ay naglakad na kami sa isang grupo na nagkukumpulan. Ang table for two na lamesa ay naging table for twenty plus.

"Thanks for inviting us Cristel."

Ngumiti at tumango ako sa sinabi ni Juvelyn bago tumabi sa kanya. Si Austin naman ay nakipag chikahan na sa kanyang mga kaibigan.

"Welcome guys. By the way, nakakain na ba kayo?"

Si Ashera ang unang sumagot. "Kailangan mo pa bang tanungin yan? Of all visitors kami yata ang inuna mo."

Nagkatawanan kami sa sinabi ni Ash. Unang kita ko palang talaga sa kanya ay feeling ko mataray at hindi approachable. Pero nang makilala ko siya ng unti-unti, mabait naman pala.

"Isa pa, marami pa ngang tira dito oh." Segunda naman ni Zara na asawa ni Soyer. Kaibigan ni Austin.

"Speaking of food. Pwede bang mag-uwi sa bahay?"

Hindi makapaniwalang tumingin kaming lahat kay Janine na siyang nagsalita. Kalaunan ay nagtawanan kami lalo na ng batukan siya ni Jeralyn. Asawa ni Zeff.

"Nakakahiya ka talagang kasama."

Napa pout siya. "Pabigyan niyo nalang ang buntis."

Sa kabilang banda, ang kanyang asawa na si Khairo ay nabilaukan sa kanyang inumin. Natigil din ang kanilang pag-uusap dahil sa sinabi ni Janine. Actually, lahat kami.

"W-What? Buntis ka? Paanong nangyari yun? Hindi pa nga tayo nag made love tapos buntis ka—aray!"

Napahagalpak kami ng tawa nang walang sabi-sabing binatukan ni Janine ang kanyang asawa.

"Alam mo naman siguro ang salitang joke noh?"

Natatawang pinanood ko silang mag-asawa na mag asaran. After a few seconds, hindi na yata naka tiis si Khairo at nilambing ang kanyang asawa.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now