CHAPTER 24

1.9K 69 1
                                    

Cristel

"Paano mo nga pala nalamang buntis ako?" Tanong ko kay Austin habang pinaghahanda niya ako ng almusal.

I have so many question on my mind that keep on barging me. Pero iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Paano ba naman kasi niya nalaman? Wala naman akong ibang pinagsabihan maliban may Shery. Imposible namang sabihin niya yun kay Austin.

"I saw your pregnancy test inside the drawer. Nung araw na sinabi mong pupunta tayo ng pharmacy, yun ang binili mo diba?"

Napatango ako sa kanyang tanong. Oo nga pala, nilagay ko yun sa drawer matapos kong malaman na buntis ako.

"Speaking of that day. Paano nangyari yun? I mean, nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano sumabog ang sinasakyan mo. Till now I think I'm in a state of shock. But knowing that your here now, kontento na ako. Pwede mo bang e-explain sa akin? Naguguluhan talaga kasi ako."

Pinatay niya muna ang kalan bago inihain sa harapan ko ang niluto niyang bulalo. Kumalam tuloy ang sikmura ko nang maamoy ko ang mabangong aroma ng pagkain.

I watched him undress the apron on his body. Tanging apron lang ang nakasagabal sa kanyang katawan kanina dahil wala siyang suot na pang-itaas. Now that he took it off, nakahubad baro siya sa harapan ko.

"Bago pa sumabog ang sasakyan, nakalabas na agad ako at nakalayo. The thought na akalain mong patay na ako, mas mabuti na din yun para ilayo ka sa panganib."

"Wait. What do you mean by panganib? Wala namang masamang tao ang nagtatangka sa buhay ko." Kunot noong sabi ko sa kanya bago sumubo ng kanin na may ulam.

He stop eating and look at me in my eyes. Nababasa ko na nag-aalangan siyang sabihin sa akin ang totoo tungkol sa ibig niyang sabihin.

After a minute, he sigh in defeat. Wala din naman kasi siyang choice kundi sabihin sa akin ang totoo dahil hindi ko naman siya titigilan sa pagtanong.

"Okay. I will tell you this." He took a deep breath. "I'm a part of Organization named Black Mafia. Marami akong kasama duon at isa ako sa ranggo na pinapatupad nila para protektahan ang mga nangangailangan at puksain ang masasamang tao. That's why I choose na mas mabuting paniwalaan mo nalang na patay na ako kaysa idamay ka pa. Nung papunta tayo sa kabilang bayan, may naka abang na sa ating mga kalaban ko duon. That's why Jax was there. Medyo natagalan nga lang ang trabaho ko kaya matagal akong nakabalik sayo."

I slowly chew the meat on my mouth while processing the words he said. At nang ma absorb na ito ng utak ko ay muntik na akong mabilaukan.

Anong sabi niya?! Black Mafia Organization?! Isa siyang Mafia?!

How come?!

Marami pa talagang hindi ko alam ang tungkol sa buhay ni Austin. Well, it's not that bad right? Ang pagiging Mafia? Sinabi naman niyang pinupuksa nila ang masasamang tao at tinutulungan ang mga nangangailangan.

Like what he did sa bayan nila Cherafhel at sa mismong pamilya nila. Sa isiping yun, napangiti ako at kumalma.

Kahit naman ano pa si Austin, tatanggapin ko parin siya ng buo kong puso. Walang pagdadalawang isip ko siyang tatanggapin.

I love this man. Hindi ko pa man naiparamdam sa kanya ng lubusan pero mahal na mahal ko siya. Higit pa sa inaakala niya.

"May pasabi-sabi pa ako noon na 'rest in peace, Austin' tapos malalaman kung buhay ka naman talaga? Bakit hindi mo nalang kasi sinabi sa akin na hindi ka naman talaga patay para hindi ako magluksa?" Pinanlakihan ko siya ng mata dahilan para mapakamot siya sa kanyang batok.

"Well.. hindi ko naisip yun."

Inirapan ko siya at patuloy nalang na kumain. Maaga kami ngayon dahil babalik na kami. Ewan ko nga lang kung ano ang magiging reaksyon nila. Speaking of.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now