CHAPTER 10

1.8K 88 6
                                    

Warning: Matured Content!
Read at your own risk!

🍒

Cristel

"You sure about this?"

Tanong ko kay Austin nang dumaan ang mahabang katahimikan. Kanina pa kami tapos kumain. Pareho nalang kaming nakaupo ngayon at masinsinang nag-uusap.

Hanggang ngayon yata hindi pa ako naka recover sa pagkagulat dahil sa sinabi niya.

I know this is my plan. Na unti-untiin itong nasa pagitan namin kung ano man ito. Nagulat lang talaga akong siya na mismo ang nag offer sa akin.

Sinong namang babae ang hindi papayag sa offer niya? Kaya nga sinabi kong sure ba siya dahil sigurado na ako sa desisyon ko. 

I'm willing to do this.

"If you don't mind we can start already."

Namula ang pisngi ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Of coud
rse alam niya ang kondisyon ni dad dahil nanduon siya mismo sa birthday ko!

Ang lakas talaga ng loob niyang tuksuhin ako ngayon!

"H-Hindi pa nga ako pumapayag!"

Letse!

Ano yung sinasabi ko kaninang sigurado na ako? Nasaan na yun? Ganito na ba talaga ako pagdating sa kanya?

"You sure?"

Nag-iwas ako ng tingin ng dilaan niya ang pang-ibaba niyang labi. Jusko! Is he seducing me? T*angina naman! Apektadong-apektado ako!

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya tingnan ng seryoso.

"Ikaw ang sinisigurado ko dito Austin. I know your a manwhore. Kung balak mo akong tulungan, make sure na hindi tayo mahuhuli ng kung sino man. Lalo na si mom at dad."

"I'm not offering you this If I'm not sure." He seriously said too!

Bumuntong hininga ako. "Okay. If you can help me, then so be it. Kung ngayon may balak kang mangbabae, gawin mo na. I can't tolerate that. Marami tayong masisira kung gagawin mo yan kung tayo na."

Isa akong siguristang tao. Kung willing talaga niya akong tulungan, dapat walang sabit.

He just smiled at me before pulling my hand. Nagpatianod nalang ako sa kanya sa kung saan.

May kinuha siyang bote ng wine at isang blanket. Napakunot ang noo ko nang lumabas kami at pumunta sa ilalim ng puno.

Inilagag niya ang blanket na kinuha niya. He sat down while tapping the sit beside to him.

Nagkibit balikat ako bago umupo sa tabi niya. Tinanggal ko ang heels para ipatong ang paa ko sa blanket.

"Bakit naisipan mong tulungan ako?" Naisipan kong tanong sa kanya nang walang magsalita sa amin.

Naisip ko lang din kasi yun. Ano kayang pumasok sa isip niya para bigyan ako ng offer na ganun?

He's a bachelor. Matunog ang pangalan niya sa business industry at marami pa.

Alam kong hindi basta-basta siyang mag se-settle down ng ganun. Imposible lang mangyari. Hindi ko lang lubos na maisip.

"Let's say that we have the same path. My parents wants me to married too. It's a win-win situation between us. May kompanya ding ipapamana sa akin si mom. And I have to get married and have a child before I claim it."

Black Mafia 7: Austin GuillermoМесто, где живут истории. Откройте их для себя