CHAPTER 11

1.6K 73 1
                                    

Cristel

I stayed out the night that day on his rest house dahil nakatulog ako. Hanggang ngayon hindi ko parin talaga maisip ang nangyari. But I have to accept it. It's a big help for me.

Dalawang araw na ang nakakalipas nang mangyari yun sa rest house niya. As he said, we always hang-out ang known each other. May pagkakataon din na pumupunta kami sa ibang lugar para mag explore.

Hindi dahil ito talaga ang plano namin. Kundi dahil ito ang gusto namin. I don't want to assume. Mahirap na. Baka kasalungat ang nasa isip namin.

Much better if I just do it rather that think about it.

Nandito ako ngayon sa opisina habang pinipirmahan ang papeles na binigay ni dad.

Austin and I planned to do it slowly. Alam kong may hula na ngayon si mom at dad kaya hindi na kami mahihirapan.

Kung kailan namin sasabihin, yun ang hindi ko alam.

"Insan!"

Tiningnan ko ng masama si Shery nang limihis ang pirma ko dahil sa bigla niyang pagpasok.

"Uso ang kumatok Insan." Sarkastiko kong sabi sa kanya saka siya inirapan.

Napanguso siya. "Sorry na. Siya nga pala. Nandito ako para isama ka. Out mo naman ngayon diba?"

Dahil sa tanong niya ay napatingin ako sa mini clock sa table. It's almost 7:00. Mag a-out na nga ako.

"Oo. Tsaka, saan naman tayo pupunta?"

Iniligpit ko na ang nga gamit ko bago kunin ang aking bag. Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang nakatitig lang siya.

"Papayag ka?"

Nagkibit balikat ako. "Wala naman akong gagawin sa condo. Why not hang-out a little bit? Saan ba ang punta natin?"

Impit na napatili si Insan bago ako hinila palabas ng opisina. Saan ba talaga kami pupunta? Halatang excited itong kasama ko eh.

"Ipapakita ko nalang sayo kung saan tayo pupunta. Baka umayaw ka eh."

I just rolled my eyes before stepping out to the elevator. Sasakyan ni Shery ang ginamit namin papunta sa kung saan man niya ako balak dalhin.

Ipapakuha ko nalang sa driver ni dad ang kotse ko para may magamit ako bukas.

"Siguraduhin mo lang Insan."

Tinawanan lang niya ako bago pinaharurot ang kotse niya. Kating-kati na ang dila kong magtanong kung saan kami pupunta but I stop my self.

May tiwala naman ako kay Shery at alam kong hindi niya ako ipapahamak.

Minutes later, I found my self inside of the bar parking lot. Napailing nalang ako bago sulyapan si Shery.

"Sa tingin mo hindi ako papayag kapag sinabi mong saan tayo pupunta?"

She shrugged. "I think so. Matagal na panahon na nung pumasok ka sa ganitong lugar."

I look at her flatly. "Baka nakakalimutan mo Insan. May bar din sa U.S. Kung hindi alam, suki ako sa mga ganitong lugar."

"Aba malay ko ba."

Bahagya akong natawa sa kanyang sinabi. Iniwan ko nalang ang bag ko sa loob ng sasakyan at ang phone lang ang dinala.

Sabay kaming lumabas ni Insan ng kotse. Pagkapasok namin sa loob, sumalubong sa amin ang maingay na tunog. Mga taong nagsasayawan sa dance floor. And a people who's fit to the word 'making out'.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now