Realize (one shot)

31.7K 467 13
                                    

"Realize." (One Shot)

 © kimkimmy16, wattpad2012.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::Eto na!!:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Ayoko na sa kaniya. Palagi na lang niya akong binabaliwala." Tinignan ako ng best friend ko na para bang nahihibang na ako.

"Pang-ilang beses mo na bang sinabi sa akin 'yan?" Pang-ilan na nga ba? Ah basta.

"Basta ngayon, desedido na ako." Taas noo kong sabi.

Aba, hindi naman pwedeng ako na lang palagi ang naghahabol. Eh teka, nagegets niyo ba ang sinasabi ko? Kung hindi, ikukwento ko na lang sa inyo. BRIEFLY.

Ganito kasi 'yan, crush ko si Lucas. Siguro mga 2 years na rin. Crush ko siya simula nung first year highschool pa lang kami. Ewan ko kung anong nakain ko nun at umamin ako sa kaniya na gusto ko siya.

Sa loob ng 2 years na 'yon hindi ako pumapalyang iparamdam sa kaniya na gusto ko siya. Ewan ko nga kung bakit tumagal ng ganito ang pagka-gusto ko sa kaniya. Eh kadalasan naman nagsasawa rin ako kaagad. Hanggang sa isang araw, naramdaman ko na lang na mahal ko na siya. Ang cliche no?  Kaso, palagi niya akong binabaliwala. Syempre, tao lang ako, napapagod. Naks! Pwede ng pang-MMK ang drama ko.

-----

"Lucas ayan na 'yong may gusto sa'yo. Lalapitan ka nanaman ata." Ha, akala lang nila 'yon. Makikita nila, hinding hindi ko papansinin si Lucas.

Naglakad lang ako ng tuloy tuloy. Nakita ko sa peripheral vision ko na sinisiko siya ng mga kaibigan niya. Hindi ako huminto. Instead, nagpanggap ako na hindi ko siya nakita.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng mga kaibigan niya. Maging siya. Hahahaha. Ang saya naman pala nitong ginagawa ko.

Nakita ko si Weng sa may labas ng pinto ng room namin, nag-okay sign siya na parang sinasabi na, 'you've done a great job.'

The time passed in a blurr. Hindi ko namamalayan, mag-uuwian na pala. Ginawa ko talaga ang lahat huwag lang siyang pansinin. Mukha namang naging successful ang plano ko dahil talaga namang kada iniisip kong lapitan siya, agad-agad ko namang binabawi.

Ganun lang din ang ginawa ko nung mga sumunod na araw. Mukha namang nakakalimutan ko na siya dahil never ko ng naiisip na lapitan siya. I don't feel any attraction to him anymore. At least, that's what I know. Mukhang effective 'yong ginawa kong pader sa aming dalawa.

"Princess, can we talk?" Ano bang kailangan niya sa akin?!

"Nope." Sabay alis ko. Nakakainis. Kinakalimutan ko na nga siya tapos kakausapin pa niya ako. Ano naman ang kailangan niya sa akin?

"Mag-usap na kasi tayo." Sinundan niya pala ako? Huminto naman ako sa paglakad. Huminto rin siya.

Hinarap ko siya. "Ba't ba ang kulit mo? Sinabi ko na ngang ayaw ko diba?"

"Parang mag-uusap lang naman. Ba't ba ayaw mo?"

"Kasi busy ako, okay?" Anong nakain nito at nangungulit ng ganito?

"Sandali lang naman kasi. May sasabihin lang naman kasi ako." Hmmm.

"Oo na. Ano ba kasi ang sasabihin mo?"

Huminga siya ng malalim at tumingin ng deretso sa mata ko. "Ba't mo ba ako iniiwasan? Nakakairita ka. Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung anong nagawa ko sayo at iniiwasan mo ako ng ganun? Hindi ko alam pero namimiss ko ang pangungulit mo sa akin. Namimiss ko 'yong pagpaparamdam mo sa akin na gusto mo ako. Pero hindi ko alam kung bakit isang araw na lang, bigla kang naging distant sa akin. Inisip ko pa nga nung una baka may problema ka lang. Pero wala eh, dahil lumipas ang maraming araw na hindi mo pa rin ako pinapansin. Pakiramdam ko mababaliw ako. Nakakabaliw ka. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. kung bakit kita namimiss. Pero ngayon alam ko na. Dahil mahal kita. Mahal kita, Princess. Hayaan mong ako naman ang magparamdam sayo nun araw-araw. Liligawan kita. Wala akong paki kung ayaw o man o gusto. Hindi ako nagtatanong ng permiso mo pero manliligaw ako sa'yo dahil gusto ko. Dahil dito ako sasaya."

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Alam ko na ng dahil sa mga sinabi niya, nabuwag ang minsan kong itinayong pader laban sa aming dalawa.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon