Love-nat (One Shot)

39.2K 548 31
                                    

"Love-nat." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2013.

P.S: Sorry kung pangit. Nawawalan na talaga ako ng gana na magsulat ng stories eh. Hindi ko alam kung bakit. Sinulat ko lang 'to kasi baka sakaling bumalik 'yong hilig ko sa pagsusulat. Try lang naman. Hehe :3 Saka may sakit kasi ako ngayon kaya sinulat ko 'to. ehehe :3

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Beb, Okay ka na ba?" aww, anong ginagawa niya dito?

"Huy, ba't ka naman nandito? May exam kaya tayo ngayon!" Kung hindi ba naman kasi siya isa't kalahating baliw eh.

"Sus! Exam lang naman 'yon eh! Mas importante ka sa akin no!" Awwe, ang sweet!

"Pero kahit na! Syempre kailangan mong isipin ang future natin!" Hahaha, parang ewan lang eh no? Fourth year highschool pa lang kami pero kung makapag-isip na tungkol sa future eh napakabilis?

"Ayos lang 'yon Beb! Umabsent talaga ako para may kasabay kang magtake ng exam." Ain't he the sweetest?!

"Pero hindi mo naman na talaga kailangan pang sabayan ako. Sayang naman kasi 'yong nireview mo kagabi." Sobra kasi siyang nag-aral para sa exam namin ngayon kaya naman hindi kami gaanong nagkatext.

"Ano ka, kung nalaman ko ngang may sakit ka eh hindi na rin ako masyadong nakapagconcentrate sa nirereview ko. Gusto ko ngang sumugod dito kagabi kaso pinigilan lang ako ni mama." Inggit kayo no? Boyfriend ko 'yaaaan!

"Ang sweeeeeeeeeeeet!" Sabay kurot ko sa pisngi niya.

"Wag mo akong utuin. Humiga ka na ulit sa kama mo. Kukunin ko lang 'yong mga gamot na kailangan mong inumin."

"EHHHH! Ayoko ng uminom ng gamot. Sawa na ko, beb!" Kahapon pa kasi ako inom ng inom ng gamot eh. Tapos 'yong gamot naman hindi ko malunok! Sanay kasi ako sa syrup. Sorry naman!

"Tumigil ka nga. Iinom ka ng gamot kasi sinabi ko." Sabay labas niya ng kwarto ko. Kaya ayaw kong siya ang nag-aalaga sa akin eh! Hindi kasi 'yan papayag na hindi ako iinom ng gamot! Pero ang swerte ko sa kaniya! Ang swerte ko kasi ako ang minahal niya. Haaaaay.

"Oh, inumin mo na 'tong biogesic para bumaba 'yong lagnat mo." Napangiti naman ako.

"Opo Beb Nurse!" HAHAHAHA. "Alam mo kung ikaw ang magiging nurse ko, mas gugustuhin ko pang magkasakit palagi!" Kumunot naman ang noo niya.

"Pwes, mas gugustuhin ko pang wag ng maging nurse mo." Napapout naman ako.

"Eh, bakit naman? Ang sarap mo kayang mag-alaga!"

"Pero kahit na! Sino naman ang lokong gugustuhin an magkasakit ang mahal niya?" Iiii. Hahaha.

"Tama na nga. Kinikilig na ako Beb eh!" HAHAHAHAHA.

"Oh, inumin mo na 'to. Wag mo akong idistract para makalimutan kong painumin ka ng gamot." Fine! Ininom ko na nga 'yong gamot. As usual, bumabalik nanaman. Hindi talaga ako sanay uminom ng gamot na tablet eh. Ilang try pa ulit ako sa paglunok bago naging matagumpay. Hahaha.

Humiga na ulit ako sa kama. Feeling ko nga magaling na ako eh.

"Beb higa ka muna dito oh. Baka pagod ka na." Kanina pa kasi niya ako pinupunasan nung maligamgam na tubig. Para daw bumaba 'yong lagnat ko.

"Hindi na. Hindi pa naman ako pagod." Sabay tuloy niya sa pagpupunas ng mukha ko. Pati na rin ang mga limbs ko.

"Pagod ka na ata eh! Tignan mo nga ako, ang pungay na ng mga mata mo." Para kasing kulang siya sa tulog.

"Hindi nga. Saka, paano naman ako mapapagod kung pinagsisilbihan ko ang lakas ko?" OH EM JI! TAE TONG RENZ NA 'TO! KINILIG AKO! HAHAHAHA.

"Ba't ka ba ganiyan? Masyado mo naman akong pinapakilig. Baka mamaya niyan mabinat ako." Kasi naman makapagpakilig, wagas!

"Hindi ko mapigilan eh." Sabay kindat pa niya. Ang pogi! Taeness.

"Sa tingin ko magaling na ko." Bigla kong nasabi sa kaniya.

"Ba't naman eh ang init mo pa kaya."

"Hindi ko nga alam kung bakit eh, basta nung pinuntahan mo ako ngayong araw... naging okay na ako." Nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko.

"Kailangan mo pa palang magtake ng gamot." Bigla niyang sabi sa akin.

"NANAMAN?!" Hanggang kailan ba ako iinum ng gamot?

"Oo. Kailangan mo ng Kisspirin saka ng yakapsule." Sabay kiss at yakap niya sa akin. Feeling ko naman umakyat lahat ng dugo sa muka ko.

"Kainis ka naman eh! Pakilig ka masyado!" May bigla naman akong naalala. "Beb, para sayo importante ba 'yong salita na mahal?" Wala lang. Gusto ko lang itanong.

"Hmmm.. Para sa akin mas importante ka. Kasi, how can I say "Mahal kitakung wala ka naman?" Sheeeeet!

"Ba't ba ang sweet mo ngayon?" Nasobrang kasi eh. hahaha.

"Wala lang. Lagi naman akong ganto ah?"

"Oo nga. Magworry ka naman para sa kalusugan ko, baka mamaya ma-diabetes na ako." Bigla niya ako binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Oh sige, dun na lang ako magpapakasweet kay Mitch." Bigla naman akong napatayo sa pagkakahiga ko.

"Subukan mo lang." May halong pagbabanta sa boses ko. Si Mitch kasi 'yong flirt na may gusto kay Renz eh. Di ko mareach sa sobrang taas ng level ng kalandian niya.

"Eto naman oh. Syempre nagbibiro lang ako." Sabay yakap niya sa akin.

"Aba dapat lang no."

"I love you, beb!"

"I love you too, beb ko!"

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon